ISANG PASABOG na balita ang lumabas kahapon sa social media – magsasama raw sa isang malaking proyekto sina Alden Richards at Kathryn Bernardo!
Marami ang nagdidiwang sa bagong development na ito. Alam naman ng lahat na halos imposible ang pagsasamang ito dahil unang-una, sa magkaibang network nakapirma sina Kathryn at Alden. Pangalawa, both are very identified with their respective onscreen partners. Pangatlo, parang wala man lang clue in the previous months na this is in the talks na nga.
According to our source, ang pelikula raw ay mula sa Star Cinema at possibly co-production with APT Entertainment. Si Cathy Garcia-Molina diumano ang magiging direktor ng proyekto which means this is one of her last few films to make before her retirement. Might as well make it more bongga, ‘di ba?
In reality, nagkaisyu ang KathNiel a week ago dahil sa pag-unfollow nila sa isa’t isa na ang sabi ng iba ay nagkatampuhan daw ang dalawa. On the other hand, the AlDub love team is in a tricky state dahil sa pagiging open na ni Maine Mendoza sa kanyang relasyon with Arjo Atayde.
‘KATHDEN’ will be a refreshing pair to be honest. This reminds us of the team up of Richard Gutierrez (who was the King of Kapuso network back then) and KC Concepcion (na isa sa prinsesa ng ABS-CBN that time) na nagsama sa dalawang pelikula. Ang isa ay produced by Star Cinema at ang ikalawa naman ay nilabas ng GMA Films.
Hmmm… ‘yun din kaya ang magiging agreement sa ambitious team-up na ito? Nakaka-excite naman!