TALAGANG INABANGAN ang pag-uumpisa ng La Luna Sangre dahil umarangkada agad ang ratings nito.
Pumalo ang ratings sa unang araw at naging consistent sa pilot ng first week kung saan ang ipanakita ang espesyal na pagganap nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz.
Patuloy na namayagpag sa ikalawang linggo ng La Luna sa paglabas nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Ayon sa Kantar Media Ratings, 34% sa national, 32.3 % sa urban, 35.9 % sa rural, 29.9 % sa mega Manila at 33.9% sa mega Manila noong Martes, June 27.
Kinabukasang ratings ay 32.8% sa national, 32.3% sa urban, 33.3% sa rural, 28% sa mega Manila at 32.8 sa Metro Manila. Humataw sa 33.1% ang national TV ratings, 33.6% ang urban rating, rural ratings naman ay 36.6%, 28.5 sa Mega Manila at 32.7 sa Metro Manila noong Huwebes, June 29.
Ramdam na ramdam ang excitement bawat episode sa bagong kinababaliwan sa primetime TV kaya naman gabi-gabing trending ito sa social media. Maraming netizens ang nagsasabing para silang nanonood ng pelikula at kakaibang timpla ito na na-miss ng mga manonood.
Todo ang kapit ng mga televiewers sa bawat eksena dahil sa twists ng istorya at kakaibang karakter nina Kathryn at Daniel.
Samantala, taos-puso ang pasasalamat ng KathNiel sa magandang pagtanggap sa kanilang mga bagong karakteng bilang Tristan at Malia. Sinisigurado nila na mas lalong magiging exciting ang mga susunod na episodes sa pagpapatuloy ng sagupaan ng mga lobo at bampira.
La Boka
by Leo Bukas