IBA ANG EKSENA nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa pelikula nilang “The Hows of Us” na pinalabas na sa mga sinehan simula noong Wednesday (August 29).
Kakaiba dahil shocking daw ang halikan ng dalawang mag-lovers na this time, first film nila as real lovers na umamin na rin sa wakas na sila na during the mediacon ng pelikula nila.
Dahil matured na ang dalawa at wala na rin naman pwede itago at hayagan na umamin na sa relayon nila na almost six years na nila itinatago, hindi na nakakagulat kung sakaling may torrid kissing scenes sila sa pelikula.
Sabi ng isang diehard KathNiel fan ay naka-seven na totoong halikan ang dalawa na talagang binilang niya.
Kuwento ni Daniel: “Hindi nila malalaman yung kissing scene dito, hindi niyo malalaman kung kailan sila darating. May gulat factor, at saka kasi hindi kasi siya yung moment na, ‘Ito na, halikan na. Totoong-totoo lang. Natural yung mga binigay namin.”
“Ma-sha-shock na lang kayo,” pahayag naman ni Kathryn.
As of presstime ay kumikita na ang The Hows of Us ng P70,755.736.11 million as of yesterday, August 30.
Reyted K
By RK Villacorta