KAHIT HORROR film ang Pagpag: Siyam Na Buhay nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ng Star Cinema at Regal Films, may kilig eksena pa rin ang dalawa para sa kanilang mga fans na dinirek ni Frasco Santos Mortiz. Ang nasabing pelikula ang kaisa-isang horror movie na kalahok sa 39th Metro Manila Film Festival. Ito’y kumakatawan sa 9 na pamahiin na may kinalaman sa kamatayan at mga burol na siyang pinapaniwalaan, sinusunod ng maraming Pilipino magpa-hanggang ngayon.
Maging sina Daniel at Kathryn ay naka-experience nang kakaiba nu’ng umuwi na sila galing sa shooting ng Pagpag. Feeling nila, hindi sila nagpagpag bago dumiretso sa kani-kaniyang bahay. Nakagawian na ni Kath na mag-shower bago matulog. “Nagbo-blower ako ng buhok, pagkatapos kong i-off ang blower. Nagulat ako nang biglang nag-on ang blower. Natakot ako, agad kong tinext si Daniel at sinabi ko ang nangyari. Ganu’n din pala siya, may na-experience na kakaiba naman.”
Kuwento ni Daniel, “Paakyat ako ng house, parang may sumisipol, ginagaya ang sipol ng kaibigan ko. Sumipol pa nga sa gitna namin, weird nga ‘yung nangyari sa amin.”
Sinabi ni Kathryn na mas nakapapagod gumawa ng horror. Emotionally, palaging pagod sa mga eksenang nakakatakot at kung minsan nawawalan siya ng boses sa katitili. Kailangan palagi kang high energy, alive in every scene para ma-feel ng audience na natatakot ka sa bawat eksena. Dapat maramdaman ng manonood na horror film ang kanilang pinanonood. Nang dahil sa Pagpag, nadagdagan ang mga kaibigan ng dalaga. Kasama rin sa cast sina Paulo Avelino, Shaina Magdayao at Clarence Delgado.
TJ TRINIDAD, winner for Best Supporting Actor in the 9th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2013 for Sana Dati. He gives another mesmerizing performance in Mga Anino Ng Kahapon with Agot Isidro, an entry in the Metro Manila Film Festival New Wave Section (Full Feature Category). The film is written and directed by Alvin Yapan and produced by Alemberg Ang under their Vim Yapan/Alem Chua productions outfit.
The story is very powerful kaya agad-agad tinanggap ni TJ ang project na ito. Say nga ng actor, “When I found out that the film aims to raise awareness about what schizophrenia really is, in order to remove the stigma attached to patients with mental illness. It was another reason for me to work on this project.”
The Cinema Evaluation Board (CEB)who gave the film a grade of “A” also recommended the actor in its summation saying, “TJ was superb as usual, continuing to grow and mature as an actor. Both TJ and Agot essayed their roles with quiet power and conviction.”
The project reunites TJ with Direk Alvin, whom he had worked with in the 2009 Cinemalaya film Ang Pangggahasa kay Fe (Rapture of Fe). Sobrang na-challenge ang magaling na actor sa role niya sa Anino…. He plays the role of Ed, husband of Irene (played by Agot) and father of Brian (portrayed by Carl Avosta). Ed would have gone into the military if he followed the wishes of his general father (Ku Aquino in a special role). Pero mas gugustuhin pa niyang maging nurse to save lives. Nagtrabaho abroad para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang pamilya. Hindi niya alam, that this decision would trigger his wife’s schizophrenia. Mga Anino ng Kahapon is showing at SM Megamall and Glorietta 4 from December 14 to 24.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield