TINANGHAL KAMAKAILAN ang Got To Believe lead stars na sin Kathryn Bernardo at Daniel Padilla bilang “Hottest Filipino Stars Under 20” sa online poll ng sikat na entertainment blog na Starmometer na nilahukan ng libu-libong fans sa Facebook at Twitter.
Nanguna sa listahan si Kathryn taglay ang kabuuang 203,736 votes, na sinundan ng ka-love team na si Daniel na nagkamit ng 148,415 na boto. Sa parehong online poll, nasungkit rin ng Teen Queen at King of Phillipine showbiz ang rank 1 at 2 noong 2011.
Kailan lang, inilunsad ang espesyal na proyekto nitong “G2B Army Color Fun Run”. Dahil sa masamang panahon, mula August 25 ay inilipat sa September 1 (Sunday) ang araw ng fun run na gaganapin pa rin sa Aseana Business Park sa Parañaque City. Ang assembly time ng G2B ay 7AM. Ang G2B Army ay binubuo ng libu-libong Pilipino, bata o matanda na naniniwala sa pangunahing layunin ng grupo na makapagdulot ng mabuting pagbabago sa bansa. Ang mga may opisyal na race kits lamang ang maaaring dumalo sa G2B Army Fun Run.
Nu’ng Lunes nagsimula na ang pinakahihintay ng manonood, ang most romantic TV series of 2013 na G2B na dinirek ng box-office director na si Ms. Cathy-Garcia Molina. Pampelikula ang dating sa amin ng show na ito, bago, naiiba sa mga soap ng Kapamilya Network.
LAST SATURDAY, ipinakilala sa media ang 72 “Kalokalikes” ng local at international stars na magpapasiklaban sa mas pinalaking paligsahan ng celebrity look-alikes sa It’s Showtime.
Hindi nagpatalbog ang bawat contestant nang humarap ito sa press people. Kanya-kanyang eksena para mapansin ang angking nilang talino tulad ng kani-kanilang idolo. Mas bongga, mas kalog, at mas gayang-gaya ng Kalokalikes ang kanilang mga kamukhang celebrities sa “Kalokalikes Level Up Face 2,” ang semi-finals round na aarangkada sa loob ng apat na linggo mula Agust 26 hanggang September 20.
Isang grupo ng Kalokalikes ang magpapasiklaban bawat araw at ang magwawagi ang pasok sa grand finals na gaganapin sa September 21 sa pagkakataong masungkit ang titulong Ultimate Kalokalikes at premyong P300,000.
Ang first runner-up at second runner-up ay magkakamit naman ng P200,000, habang mag-uuwi rin ng cash prizes ang dalawa pang karagdagan runners-up. May special prizes ding naghihintay para sa iba pang Kalokalikes sa madlang people.
Patok na patok sa masang Pinoy ang look-alike contest kung kaya’t inilunsad agad ang nasabing pa-contest ng ABS-CBN. Pagkatapos ng unang season nito, kung saan nagwagi ang Ultimate Kalokalikes ni Christopher de Leon na si Jonathan Garcia noong Mayo. Totoo nga, kahit in person, kamukha talaga niya si Boyet, pati galaw at pananalita, carbon copy siya ng actor.
Sobra kaming nag-enjoy sa mga sagot at performance ng bawat contestant. Tumayong emcee sina MJ Felipe at ang winner ng first season na si Jonathan at ka-look alike ni Kim Chiu. Nagmarka sa amin ang Kalokalike ni Alfie Lorenzo na taga-Los Angeles, California, USA. Umuwi pa rito sa Pinas para lang mag-join sa KLUF2. Young version siya ni Tito Alfie. Sabi nga ng veteran writer/manager, “Baka kamag-anak namin siya. Sumugod talaga ako para personal siyang makilala at makita in person. I’m willing to support him, kausapin ko siya after the presscon,” say ni Tito Alfie.
Pasok din sa listahan namin sina P-Noy, Jessica Sanchez, Dulce, Jed Madella, Toni Gonzaga, Mr. Beans, Jake Cuenca, Coco Martin, Ruffa Mae Quinto, Kakay, Freddie Aguilar, Noli De Castro at ang international singer na si Apl de Ap.
Subaybayan ang inyong mga pambatong Kalokalikes sa It’s Showtime, 12:30PM, Monday to Friday, at 12NN every Saturday kasama ang hosts na sina Anne Curtis, Vice Ganda, Vhong Navarro, Billy Crawford, Karylle, Kuya Kim Atienza, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Jhong Hilario, Ryan Bang, Coleen Garcia at Eric ‘Eruption’ Tai.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield