SINA KATHRYN Bernardo at Daniel Padilla at Julia Montes at Enrique Gil nga ba ang makabagong apat na sikat?
Mukhang nagsimula ang tapatan ng dalawang loveteam nang magtapat ang kanilang press conference kamakailan.
At parehong ngayong July rin ang kanilang mga bagong show na Got To Believe at Muling Buksan Ang Puso ng ABS-CBN.
Kayo, kanino kayo? Ah, basta ako, secret muna kung sino ang gusto kong loveteam?
HOT ISSUE pa rin hanggang ngayon ang pagkawala sa sirkulasyon ng mahusay na young actor na si JM de Guzman.
Hindi man namin nakakausap ngayon si JM, hindi naman ibig sabihin ay wala na kaming connect sa kanya. Mabuti na lamang at may isang Ronniel de Guzman, ang mbait na father ni JM de Guzman.
Hindi man kami gaanong close kay daddy ay ramdam namin na handa siyang magsalita sa tamang panahon. Sa pamamagitan ng palitan ng text ang aming naging communication.
Gusto man namin siyang mainterbyu nang buo, siya na mismno ang humindi. Kahit na gusto namin siyang i-phonepatch sa aming radio show na Wow, Ang Showbiz! sa DWIZ ay hindi rin nangyari.
“‘Wag na, Wala naman kaming pino-promote na teleserye. We have real problems, real people have. We don’t want to be a sideshow. We just want to roll with the punches. May pagkukulang ang anak ko. And he’s trying to fix it on his own. ‘Yung take ko riyan, director din ako ng NPC, National Press Club, bakit ko kayo aawatin sa trabaho n’yo. Pero all I’m asking is accuracy and fairplay. ‘Yun lang,” text sa amin ni Daddy Ronniel.
“I assure JM is fine and on the road to being a better man. Hindi kayo maiinip nandiyan na uli ‘yan. Stronger, more mature and ready to work again.
“As a father, I just want to see my old son back. I want to hug him and tell I love him so much. Then balik na namin uli siya sa public para maipakita ang craft niya. Acting is his soul.
“Du’n siya masaya, I love him so much kaya kung saan niya gusto, susuportahan ko siya. Kahit piso lang at ilang tao na gustong panoorin siya, aarte ‘yan at kakanta. ‘Yan ang buhay niya.
“Let us allow him time to find his smile back. He will be back,” makahulugang text niya sa amin.
“With friends like you, gumagaan lahat, mga araw napapabilis.”
Sa mga binitiwang pahayag ni Daddy, alam na natin kung saan siya nanggagaling.
‘Yun na!
NASAKSIHAN NAMIN ang press conference ng 9th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival sa CCP. Masasabi naming mas lalong lumalaki ang mga kasaling mga pelikula sa said event.
Kasali ba naman ang Star For All Seasons na si Vilma Santos para sa movie ni Direk Jeffrey Jeturian na Ekstra. Marami lang ang nagtaka kumbakit hindi siya nakarating noong araw na ‘yon. Ang lumulutang na mga tsika ay hindi siya nasabihan. Totoo kaya ‘yun?
Isang gusto naming panoorin sa New Breed category ay ang Quick Change na kakaibang istorya sa lahat ng kaibigang Direk Eduardo Roy, Jr. Bale ito ang kanyang second film na nakasali sa Cinemalaya. Una ay ang Bahay Bata noong nakaraang taon na pinagbidahan ni Diana Zubiri.
Gusto rin naming unahing panoorin ang Babagwa at Amor Y Muerte ng kaibigang Ces Evangelista. Sana ay mapanood namin bilang Presidente ng PMPC Star Awards.
by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!