Mula pa noong Enero 2015, usap-usapan na ang pagkakatiwalag ng religious na Iglesia Ni Cristo (INC) kay Kathryn Bernardo.
Ngayon, tila may bahid na ng katotohanan ang balitang ito sa pag-eendorso ni Kathryn Bernardo sa kandidatura ni Mar Roxas sa pagka-pangulo.
Noong Huwebes, May 5, opisyal na inihayag ng INC ang kanilang pag-endorso kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang presidente at kay Sen. Bongbong Marcos bilang bise-presidente. Kilala ang mga miyembro ng INC sa pagkakaroon ng ‘solid vote’ sa kung sinumang iendorso ng pamunuan nito.
Lalo pang lumakas ang ispekulasyon ngayon na hindi na miyembro ng INC si Kathryn nang mag-post ang Kapamilya actress/ model na si Marlann Flores sa kanyang Instagram account ng kanilang litrato ni Kathryn, kasama ang kanilang close friends na sina Pamu Pamorada at Trina Gutingco.
Ayon sa caption ni Marlann sa kanyang post: “Kath and Trina both received Christ today as their own and personal Savior! Praise be to God! This year has been fruitful already! Let’s proclaim God’s name with boldness and conviction.”
Gayunman, sa isa pang Instagram post, pinabulaan ni Marlann na na-covert na niya si Kathryn sa ibang relihiyon. Nag-share lang daw ng gospel.
Wala pa rin naman ibinibigay na pahayag si Kathryn kaugnay ng usapin.
By Parazzi Boy