MARAMING BESES ding naapektuhan ang La Luna Sangre lead star na si Kathryn Bernardo ng cyberbullying.
“Kung iisa-isahin ko, ang dami talaga. Pero siguro ang pinaka-malala ‘yung last election. Dumating ako sa point na nagkulong ako sa kuwarto,” sambit pa niya.
Patuloy pa Kathryn, “As in, hindi ako lumalabas. Sobrang na-depress ako nu’ng na-receive naming pangba-bash sa lahat ng tao noong time na ‘yun. And until today, kapag nag-social media ka.
“That’s why, I turned-off my comment section and sa Twitter, sobrang bihira na kong mag-Twitter. Ang bilis!”
Isinusulong ngayon nina Kathryn at Daniel Padilla ang kampanya laban sa anti-cyberbullying.
“Ayaw po namin na next five years, next ten years, mas lalo pa itong lumala. Kasi na-feel namin kung gaano siya kahirap, kung ano ang struggle na napi-feel mo kapag ikaw ang nabu-bully mismo sa social media.
“We don’t wanna continue that, sana maging stepping stone ito ng lahat para mas maging aware na seryoso ‘tong bagay na ‘to,” paliwanag pa niya.
Naniniwala rin si Kathryn na hindi kailangang manahimik na lang ng mga taong nabibiktima ng cyberbullying.
Aniya, “Kapag naisip mo, hindi enough na you keep quiet. Kasi yung iba naiisip nila, ‘Ah, okey pala, wala naman siyang masabi or something.’ Akala nila tama ang ginagawa nila, kaya dito pumasok ang anti-cyberbullying, we have to make a stand.
“Kasi kapag nabu-bully ka, hindi lang nasisira ang araw mo… nagli-lead into depression, especially sa mga teenagers,” rason pa ng dalaga.
La Boka
by Leo Bukas