Ibinahagi sa amin ng Teen Queen na si Kathryn Bernardo kung paano niya tinutulungan in her own little way ang NCFP (isang non-profit foundation para sa mga batang may cleft lip at cleft palate).
“Sa support, ‘pag may extra ka, kasi nga, bawat bata may cost din ‘yon kung paano mo sila matutulungan sa operation and ‘yung maintenance.
“Ang ginagawa namin, every time ‘pag may bagong endorsement, may 2 o 1 bata na bibigyan namin. Or sa isang soap, may ilang bata na ‘yung pondo no’n nasa kanila. So, may deal kami nang ganu’n ng mama ko,” paliwanag ni Kathryn.
Ano ba ang take away value niya pagkatapos matulungan ang mga batang ito?
“Siguro ‘yung maging thankful talaga and grateful dahil okey tayo, hindi natin kailangang mag-undergo ng ganyang operation, na dapat maging thankful na tayo sa mga nangyayari sa atin.
“Minsan kasi kung makareklamo tayo, akala natin parang… ay ganito, ganyan-ganyan, pero hindi natin alam ‘yung ibang tao mas malalim ‘yung pinagdaraanan, mas mabigat.
“So, matututunan mo na grabe rin ‘yung blessing mo, and dapat i-share mo ‘yon sa kanila para maging motivated sila to be a better person,” ang tila pang-Miss Universe na sagot ni Kathryn Bernardo.
La Boka
by Leo Bukas