HINDI IKINAHIHIYA ni Daniel Padilla ang hirap na pinagdaanan nilang mag-iina noong araw na hindi pa siya nag-aartista. Kahit ganoon kahirap ang buhay nila ni Mama Karla Estrada, walang kang maririnig na complain galing kay DJ. Nand’yang maputulan ng kuryente, palipat-lipat ng bahay dahil sa kakulangan ng pambayad sa renta. Bale eleven houses na pala ang natirhan nila noon.
At the early age, nakita at naranasan ni Daniel ang sakrapisyo ni Mama Karla. Pinangako niya sa sarili na kung papalarin siyang maging sikat na artista, bibili siya ng lupa’t bahay para sa kanyang pamilya. Natupad nga ang pangarap na ‘yun. Masagana at masarap na buhay ang ibinibigay niya kay Mommy Karla at sa dalawa niyang kapatid na babae sina Magui at Lelay.
Ngayon nga, kapag tapos nang mag-shooting or taping si Daniel, gusto agad niyang umuwi ng bahay para makapiling ang mga mahal nito sa buhay. The most important lesson na natutunan niya in life ‘yung how to get along with different types of people. Maaga siyang nag-mature, na-realize ni Daniel kung gaano kahirap ang buhay. Kailangang matuto kung papaano mabuhay at dapat magpasalamat sa kung anong blessing ang meron siya.
Nai-share pa nga ni DJ ang memorable experience nu’ng time na binili siya ni Mama Karla ng pair of sneakers. Very appreciative ang binata, wala itong pakialam kung original or fake ang regalong natanggap. Feeling nga raw niya parang ang yaman ng dating nito kapag suot ang pair of shoes. Malaking bagay na ‘yun para sa kanya na hindi niya malilimutan magpa-hanggang ngayon.
Ini-enjoy ni Daniel ang simple living, hindi siya maarte. Kontento na ito sa kung anong mayroon sila ng kanyang pamilya. Siguro ‘yun ang pinakamalaking factor. Importante na nangyari ang lahat ng ‘yun sa kanya dahil naramdaman nito ang buhay na ganu’n. Hindi raw ‘yung puro sarap, naramdaman niya ang hirap at pagod.
“‘Yung mga experience kong ‘yun ang bumuo sa pagkatao ko at naging armor ko sa sarili,” aniya.
Naranasan din ni Daniel na puro isda ang madalas nilang ulaming magkakapatid. Pero ang paborito ulam ng young actor ay corned beef. Ayon kay DJ, may mga araw na mahirap talaga, so ang kinakain lang nila, puro isda. Hindi raw siya nagagalit kapag isda na naman ang nasa hapag kainan. Nakalulungkot daw pero kailangan mong tiisin kasi ganu’n talaga. Kapag wala silang pambili ng corned beef, magpapahimay si Daniel ng isda kay Mama Karla.
“Kaya ko namang maghimay para sa sarili ko, pero umiinit lang ang ulo ko kasi tanggal ka nang tanggal ng tinik, tapos paliit nang paliit ‘yung piraso ng isda na hinihimay mo. Naiirita lang ako,” sabi ni Daniel.
Nakatatak pa rin sa isipan ni Daniel noong time na maputulan sila ng kuryente. Hindi-hindi niya malilimutan ang araw na ‘yun. Pero nagpapasalamat siya sa Meralco dahil natuto ito. ‘Yun ang naging trigger para sabihin niya sa sarili na kailangang ayusin ang takbo ng kanilang pamumuhay.
Para kay Daniel, mahalagang papel ang ginagampanan ni Kathryn Bernardo sa kanyang buhay. Crush na nito ang dalaga nu’ng time na nasa Goin’ Bulilit pa ito. Nagpapasalamat si DJ dahil naging parte si Kathryn para lalo siyang magsumikap. Kung anumang success na tinatamasa ngayon ng young actor, kalahati nu’n sa young actress.
Inamin ni Daniel na naging daan si Kath para lalo siyang sumikat. Tinanggap ng publiko ang tandem nilang dalawa lalung-lalo na ang kanilang mga fans. Taos-puso ang pasasalamat niya rito dahil nadala raw siya paitaas ni Kathryn. Hindi kayang tibagin ng intriga ang tandem nilang dalawa, ayon kay Daniel. Mahal na mahal niya talaga si Kath, kaya’t lalo niyang inaalagaan ang kanilang samahan bilang magkaibigan (o magka-ibigan?).
Alam natin kung gaano ka-special si Kathryn sa buhay ni Daniel. For the first time, ngayon nga lang siya nagsalita na ang dalaga ang nag-iisa lang sa puso ng binata at ‘yun ay alam daw ng young actress. Happy si Daniel dahil may KathNiel, magkasabay sila sa lahat ng bagay na maglalakbay, magkatuwang, hawak kamay patungo sa isang magandang bukas sa kanilang love at career.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield