Kathryn Bernardo on ABS-CBN shutdown: ‘Ang choice, di lang dapat sa may pera’

Leo Bukas

INAABANGAN ng maraming fans kung ano ang sasabihin ni Kathryn Bernardo sa ABS-CBN shutdown. Eto ang kanyang naging pahayag.

“Alam ko po na marami sa inyo na may alam na matagal ko pong piniling manahimik. Bakit? Kagaya po ng iba sa inyo, natakot po ako. Kasi nu’ng huling beses ko po na ginamit ko ‘yung platfrom ko sa usaping politika, hindi naging maganda ‘yung nangyari. Naging traumatic po ‘yung experience ko no’n.

Kathryn Bernardo

“Pero ngayon nandito po ako kasi pakiramdam ko kasi kailangan. Pakiramdam ko, kahit wala mang kasiguraduhan marinig ‘to, at least may ginawa ako. Pakiramdam ko kailangan kong maging boses ng iba.

“Kaya nandito ko, pinili kong magsalita kasi nag patong-patong na ‘yung mga dahilan. Kaya nandito po kami kasi responsibilidad naming makaramdam para maging boses ng mga taong hindi mapakinggan. Kasi kung ‘di kami magsasalita, sino pong magsasalita para sa kanila?

“Meron po akong isang linya doon sa movie na nagawa ko no’ng huli, ang sinabi do’n, ‘Ang choice para lang sa may pera.’ Noong isang buwan po akong namuhay sa Hong Kong, doon ko po napatunayan at doon ko lalong nakita kung gaano kahirap ‘yung buhay. Tapos ‘yun pong pagka-shutdown ng ABS-CBN, sa ginawa nilang ‘yon, mas binawasan pa nating ‘yung pagpipilian ng mga kababayan natin.

“Alam po natin na maraming lugar sa Pilipinas ang channel na meron sila ang nasasagap lang nila ay ABS-CBN. Sa panahon po n ngayon ng pandemya na kailanga natin ng impormasyon maya’t maya, alam po natin kung gaano kaimportanye ang news, ang pagkukunan ng impormasyon,” tuluy-tuloy niyang pahayag.

Malungkot din si Kathryn na nawalan ang mga tao ng magpapasaya sa kanila na napapanood nila sa mga programa ng ABS-CBN.

Aniya, “Sa hinaharap po natin ngayon, alam natin kung gaano kahirap ang pinagdadaanan ng lahat. Na ‘yung tanging nagpapasaya sa kanila o ‘yung isa sa mga bagay na nagpapasaya sa kanila, ‘yung inaabangan nila sa panonood pati po ‘yon naalis sa kanila.

“Ito yung panahon na dapat magtulong tulong tayo. Kaya nanawagan ako sa mga tao na may access sa impormasyon, sana alamin natin kung bakit namin pinaglalaban ‘yon, kung bakit paulit-ulit naming sinasabi na walang nilabag na batas ang ABS-CBN.

Kathryn Bernardo

“Sana matuto tayong makaramdam. Makaramdam para sa 11,000 empleyado na nanganganib mawalan ng trabaho. Matuto tayong makaramdam sa ilang milyong Pilipinong nawalan ng libreng access sa impormasyon at libangan. Huwag po nating palalain ang inequality. Ang choice, hindi lang ‘yan dapat sa may pera. Magtulungan tayo.”

Nagbigay din ng mensahe si Kathryn para sa mga kabataan.

“Sa mga kabataan, sana ‘wag kayong matakot. Kasi kagaya niyo rin ako. Natakot ako. Pero kung di kasi tayo magsasalita ngayon, sino? Tayo ang magmamana ng Pilipinas kaya may karapatan tayo. Samahan niyo po kaming magdasal na sana maging okay na ang lahat.

“Ako po si Kathryn Bernardo, isang artista, isang Pilipino. Huwag po sana nating kalimutan kung ano ang tunay na kalaban,” huling pahayag ng Kapamilya actress.

Previous articleAngelica Panganiban: Hindi ABS-CBN ang ating kalaban
Next articleDaniel Padilla dismayado sa pang-iinsulto ng netizens

No posts to display