KABABALIK LANG sa bansa ng Teen Queen na si Kathryn Bernardo mula sa kanilang matagumpay na 2-day sa London via TFC Barrio Fiesta kasama ang ilang Kapamilya Stars na sina Pokwang, Rayver Cruz, Shaina Magdayao, Jessy Mendiola, Enrique Gil, Julia Barreto, Gary Valenciano at ang kanyang ka-loveteam na si Daniel Padilla.
Tsika nga ni Kathryn, masayang-masaya siya sa pagtabo sa takilya ng kanilang pelikula ni Daniel, ang She’s Dating The Gangster, na ngayon ay umaabot na sa P200 million ang kinita simula nang ipinalabas ito last week.
Sobra-sobra nga raw ang pasasalamat ni Kathryn sa kanilang mga tagahanga ni Daniel at sa mga taong nakapanood na ng kanilang pelikula. Sana nga raw, patuloy na suportahan ng mga ito ang kanilang mga proyektong gagawin ni Daniel.
Ngayon nga raw, sobrang busy ni Kathryn sa dami ng proyektong dumarating sa kanya mapa-telebisyon, pelikula, endorsements, commercials, at ang kanyang nalalapit na self-titled album na ginagawa na nito.
Sikat na hiphop at RNB artist sa Amerika, nasa bansa
ISA NA namang international hiphop at RNB artist mula sa California, USA ang nasa bansa para sa kanyang Philippine Tour at ito ay si Thaddeus Whyte aka Friskolay aka Frisko na ipinanganak noong June 26, 1987 sa Anaheim, California . Si Friskolay ay mula sa mga angkan ng atleta kung saan ang kanyang ama ay ang sikat na atleta na si Devon White.
Ayon nga sa kanyang international management, “With his pure talent and intellect to captivate any crowd, Frisko was soon performing for the best names in the industry. Killing every show from 2 Chainz to Travis Porter, Rick Ross, Yo Gotti, Yelawolf, Fader & Vitamin Water and many more.”
“Frisko has the ability to bring any event, party or venue to life at the snap of a finger! Now working under Ferrara Multimedia Inc, Frisko brings responsibility, truth and value back to music.”
“Since the start of his music career in 2009 he has managed to find himself amongst the top artists in Phoenix year after year.”
Magsisimula ang Philippine Tour ni Friskolay sa Cebu (Alchology), Bulacan (Club Elements), Quezon City (Guillys Bar), Subic (Club V), Angeles City (High Society), Tagaytay (Taal Vista), Pampanga (Zoo), Parañaque (Wicked Bar), Balibago, Pampanga (Bruno and Diego), Olongapo City (Palace Superclub), San Fernando, Pampanga (XO)
Makakasama ni Friskolay sa kanyang Philippine tour sina JR Felarca Calupe aka MC Jaygo, isang kababayan na nagmula sa San Marcelino, Zambales and tag as “Voice of Cali” by Z 90.3 FM sa San Diego, California. At noong 2012 ay nakakuha siya ng nominasyon sa kategoryang “Hypeman of the Year” sa Wave 89.1 FM’s Urban Music Awards. Ka-join din sa nasabing tour sina Filipino Mexican DJ DaveRukus at RNB artist Boogie B.
Upgrade, busy as a bee
BUSY AS a bee ngayon ang Internet Sensation at isa sa pinaka in demand na boy group sa bansa na Upgrade na kinabibilangan nina Kcee, Raymond, Armond, Miggy, Rhem, Ron, at Mark. Bukod sa kanilang regular TV show na Walang Tulugan With The Master Showman ay kabi-kabila ang shows nito.
Mapapanood ang grupo sa MyPhone Mall Tour entitled Go Crazee The Grand Launch of Rio Craze sa April 26, 2pm, sa Market Market Activity Center, kung saan makakasama ng mga ito sina Kyle Vergara, Kym Vergara, Jed Santos, Franchize, The Perkin Twins at si Kris Angelica; at sa Brgy LS 91.7 Barangay Mall Show Tugstugan 2014, July 26, 4pm, sa Montalban Town Center kasama ang buong tropa/DJs ng LS FM na sina Mama Belle, Papa Obet, Papa Kiko, Papa Baldo, Papa Carlo, Papa Dan, at Chicotita. Kasama rin sa nasabing show ang all female group na Sex Bomb at ang uprising Rapper na si Geo Ong.
Bukod sa dami ng shows ng Viva Recording Artists (Upgrade), isa rin ang mga ito sa image model ng Cardams Shoes, Unisilvertime, MyPhone, Royqueen Gadgets, at Pen Entertainment Production.
John’s Point
by John Fontanilla