ISA SI KATHRYN Bernardo sa mga pinakasikat na teen stars ngayon sa bansa. Pagkatapos ng Mara Clara ay may mga bigating projects nang nakalinya para sa kanya kabilang ang isang Star Cinema movie at isang youth-oriented series.
Unti-unti na ngang nakakamtan ni Kathryn ang kanyang pangarap na maging isang magaling na artista. Bata pa lang si Kathryn ay kinakitaan na siya ng hilig sa pag-aartista. Kuwento ng kanyang Mama Min, nasa Cabanatuan pa lang daw sila noon ay gusto na ng kanyang anak na magkaroon ng commercials. “From Cabanatuan galing kami ng school then pupunta na kami ng Manila. During ng biyahe, doon lang siya kumakain, natutulog.”
Before playing the role of Mara na unang ginampanan ng nag-iisang Queen of Teleseryes na si Judy Ann Santos, Kathryn previously appeared on the teleseryes It Might Be You, Krystala, Vietnam Rose, Gulong ng Palad, Super Inggo, Pangarap na Bituin, Prinsesa ng Banyera and Magkaribal.
Her passion to succeed in showbiz finally paid off when she was offered the role of young Victoria in the teleserye Magkaribal. Dito ay marami ang humanga sa kanyang kakayahan sa pag-arte at sinabing isa na siyang ganap na teen actress.
Then came the top-rating teleserye Mara Clara. Pero dahil nasa mundo siya ng showbiz, hindi maiiwasan na magkaroon ng intriga dahil sa pagkukumpara sa kanilang dalawa ng co-star niyang si Julia Montes. Kumbaga hanggang off-screen ay pinagsasabong silang dalawa.
Kapag ikaw ay nasa showbiz, dapat maging matibay ang iyong dibdib at sikmura sa anumang intrigang maaaring ibato sa iyo. At ito ang ginawa ni Kathryn. Sa halip na magpaapekto siya sa mga intriga, lakas-loob niyang sinasangga ang mga kontrobersiyang kanyang kinaharap. Paliwanag niya, “Hindi ko naman kasi mapi-please lahat ng tao na magustuhan nila iyong pag-arte ko, kasi iyong sina Clara at Mara sobrang iba po iyong character nila. Ibang atake po iyong kailangan naming gawin.”
Para kay Kathryn, hindi isyu ang kasikatan dahil mas mahalaga raw na mapatunayan niya ang kanyang kakayahan bilang isang magaling na artista. Sabi niya, “Kasi kahit gaano ka kasikat kung hindi ka naman magaling na aktres, ‘di ka naman maaalala ng tao. Importante pa rin na galingan sa role [na] gagawin mo.”
Kaibigan, usap tayo muli!
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda