MORE than ten years ago ay ipinakilala bilang isang sexy lead actress si Katrina Halili via the sexy-drama film na Gigil. Ito ang panahon na namayagpag ang Starstruck goddess sa pagiging cover girl ng men’s magazines, pagbibida/kontrabida sa teleseryes at samu’t saring endorsements.
Muling patutunayan ni Katrina Halili na hindi nawawala ang kanyang lead star aura via the upcoming ToFarm Film Festival entry na ‘Mga Anak ng Kamote‘.
Ang futuristic drama na ito ay mula sa panulat ni John Carlo Pacala at direksyon ni Carlo Enciso Catu, na mga big winners sa Cinemalaya Film Festival 2018 for their film na ‘Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon’.
Narito ang synopsis ng pelikula mula sa Facebook page ng ToFarm Film Festival:
Set in the Philippines, 2052, when the planting of kamote has been outlawed and those caught planting and selling kamote are put in jail, no thanks to the Kamote Planting Regulation, Inc.
Makakasama ni Katrina sina Alex Medina, Kiko Matos, Carl Guevarra at Lui Manansala.
Nangangabog ang mga released teaser photos ni Katrina sa pelikula, where she is wearing a white top na no make up look ang pino-project. Lumilitaw ang natural na ganda at alindog ng hot momma, huh!
Maliban sa ‘Mga Anak ng Kamote’, napapanood pa rin si Katrina sa The Stepdaughters bilang kontrabida kay Miss World 2013 queen na si Megan Young.
ToFarm Film Festival is slated to be shown on Sept 12-18 in the following cinemas — Trinoma, Gateway, Greenbelt 1, SM Megamall, SM Manila, Robinsons Galleria, and Gaisano Davao!
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club