Tila hindi naa-appreciate ni Katrina Halili ang mga efforts ni Ate Lolit Solis na ipinagtatanggol siya kay Hayden Kho. Publicist ni Katrina si Ate Lolit, pero ang pagpupursige niyang maipasa ang Belo Medical Clinic ay tila hindi naihingi ng payo ni Katrina sa kanyang publicist.
Me inirereklamo ba ‘tong si Katrina kung ang ilong ba niya’y tumabingi nu’ng iretoke ng Belo? ‘Yung pag-lipo sa kanya ng Belo (sa mga kamay ni Hayden Kho) ay ano? Palpak ba?
Ano ba ang palpak? Ba’t pati ang Belo ay kanyang inirereklamo? Sino ba ang nagkasala sa kanya? Hindi ba niya naisip na pati ang hanapbuhay ng may 300 employees na may mga pamilya ay gusto niyang mawalan ng trabaho?
Nakakalokah ang babaeng ito. Kung saan-saan na napunta ang kanyang ipinaglalaban. Parang hindi na makatarungan. Nu’ng una’y kuha pa niya ang simpatiya namin, dahil alam naming mali ang ginawa ni Hayden.
Pero para magpasara ka ng clinic, dahil lang sa galit ka at gusto mong gumanti ke Dra. Belo na itinuring kang anak-anakan, pero lihim mong inahas si Hayden sa kanya? Hello, Katrina! Wake up!
‘Wag mong ibahin ang isyu. Ugatin mo kung saan nagsimula ang isyu. Ito ay nag-ugat sa iyong “kaharutan” at “kalandian.” Dahil kung inirespeto mo ang pagkababae mo at friendship n’yo ni Dra. Belo, hindi mo aahasin si Hayden sa kanya.
Hindi sapat na ikatuwiran mong naging marupok ka lang sa pag-ibig. Dahil kahit ang mga kaibigan mong babae, matatakot nang ipagkatiwala sa ‘yo ang mga boypren nila.
So, alam mo na ang balik ng karma, ‘di ba? Nang-ahas ka, hindi mo nirespeto ang pagkababae mo. Ang resulta: sex video.
Tapos ngayon, magpapasara ka ng clinic, dahil lang sa napakababaw na reklamo mo na hindi awtorisadong doktor si Hayden nu’ng ni-lipo ka? Ano ang gusto mong patunayan?
Na isa kang babaeng inapi? Na isa kang babaeng naging instrumento para maipaglaban ang karapatan ng kababaihan?
Ayaw naman naming isiping totoo ang akusasyon ni Hayden Kho na you’re into drugs at itong mga moves mo ang epekto.
GREETINGS: ABA, LAGI palang nagbabasa ng Pinoy Parazzi ang Megacom Construction and Electrical Supply riyan along Commonwealth. Ang magkakapatid na Ruby, Lita at Shirley na sobrang babait, kaya naman bongga rin ang discounts na nakukuha namin sa mga mura nilang presyo ng mga materials… me gano’n?
Yes, pati ang mga miyembro ng Tau Gamma Phi sa District 3 ng Quezon City na mga responsableng kabataan ang kaanib, lalo na sa Imperial, Cubao Chapter….
Read Ogie Diaz’ Blind Item: Bidang aktres, mas gustong magpa-dyug sa leading men kaysa sa mister!
‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11am-12nn.
Oh My G!
by Ogie Diaz