NATUPAD NA RIN ang matagal nang hinihintay ni Katrina Halili na hustisya sa ginawa sa kanya ni Hayden Kho – ang matanggalan ito ng lisensya sa pagka-doktor.
Nagbaba na ng desisyon ng PRC o Professional Regulation Commission na hindi na puwedeng mag-praktis si Hayden ng pagka-doktor.
Kinumpirma ito ni Atty. Raymund Palad (abugado ni Katrina) dahil nakatanggap na raw sila ng notice mula sa PRC nu’ng kamakalawa ng umaga, na ‘yun na nga ang kanilang desisyon.
Sabi ni Atty. Palad sa Startalk staff namin, hindi na puwedeng tawaging Dr. Hayden Kho si Hayden kundi simpleng Hayden na lang dahil sa desisyong ito ng PRC.
Puwede naman daw silang umapela at karapatan daw ‘yun ni Hayden pero tingin nito mahihirapan na silang mapagbigyan dahil buo na raw ang desisyon ng PRC na tanggalan na ito ng lisensiya.
Unless, may magagawa pa raw sila dahil sangkatutak naman daw ang mga magagaling na abugado nitong si Hayden, sa tulong siyempre ng alam n’yo na, ‘di ba?
Kung ako rin, ‘yun na rin ang gusto kung mangyari kay Hayden para mabigyan naman ng katarungan itong ginawa niya kay Katrina, pati kay Maricar Reyes at ilan pang mga babaeng lumabas sa video.
Mataray pang pahayag ni Atty. Palad, kahit ano pang apela ang gagawin nila, meron pa raw kayang gustong magpatingin kay Hayden bilang doctor? I’m sure meron pa rin sa guwapo niyang iyan! Pero mabuti na iyang nagdesisyon na ang PRC dahil dapat naman talagang mapagbayaran niya ito lalo na’t malakas pa ang sumusuporta sa kanya.
Mukhang napaghandaan naman ito ni Hayden dahil meron na nga siyang bagong negosyo, ‘di ba?
I’m sure sa tulong na naman iyan ni Dra. Vicki Belo. Kaya kahit ano pa ang mangyari kay Hayden, nandiyan ang Vicki na all-out pa rin ang suporta sa kanya.
Meron na nga raw itong bagong bar sa may Tomas Morato at dinig ko ginawan pa raw ito ng bagong pabango na base sa pangalan niya.
Bongga, ‘di ba? May career pa rin kahit natanggalan na ng lisensiya.
Kuwento pa ni Atty. Palad, pagkatapos nitong sa PRC, tinututukan pa rin nila ang kasong Violation of Rep. Act 9262 laban kay Hayden pagkatapos itong ipinasa ng Department of Justice sa Pasig Regional Trial Court.
Nasa isang korte na pala ito sa Pasig-RTC pero nag-file daw ng Motion to Inhibit si Atty. Palad, kaya nagpa-raflle uli kung kaninong judge mapupunta.
Nag-raffle na yata nu’ng Lunes pero hindi pa alam ni Atty. Palad kung kaninong judge na napunta.
Hindi raw nila ito pababayaan dahil talagang gusto na yata nilang ipakulong si Hayden.
Nangako si Katrina na magpapa-interview siya sa Startalk para makunan naman siya ng reaksiyon tungkol sa desisyon ng PRC.
Abangan n’yo na lang sa Sabado!
Ewan ko lang kung magsasalita si Hayden dahil hindi ko naman siya type kunan ng reaksiyon, ‘no?!
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis