NASANAY na ang Kapuso televiewers na mapanood si Katrina Halili na mang-api ng mga bida o magpakapalengkera para ipaglaban ang pagmamahal sa isang lalaki sa mga TV projects niya. Sa katunayan, marami ang inis sa karakter niya bilang Isabelle sa The Stepdaughters, kung saan super demonyita siya lalo na pagdating kay Mayumi (Megan Young).
Kaya isang malaking pagbabago ang Katrina Halili na napanood namin sa ToFarm Film Festival 2018 entry na “Mga Anak ng Kamote“. Halos ten years na yata ang nakakaraan nang huli natin napanood ang Starstruck graduate na magbida sa sine. For a time, nagsunod-sunod ang movie projects niya na kinagat ng masa sa takilya.
Sa Mga Anak ng Kamote na directed by Carlo Enciso Datu, Katrina plays the role of Iyong, isang simpleng maybahay ni Bano (Alex Medina) na medyo ‘nangangamote’. Ito ay naka-set sa 2052 kung saan ipinagbabawal na ang pagbebenta ng kamote dahil may nakakaadik na epekto ito sa mga mahilig kumain. May pagka-weird ang pelikula, but in a good way.
Alex Medina who plays her husband is also good in the movie. May plano kaya ito lumipat sa GMA? Bagay sila!
Kakaiba rin ang mga titig ni Kiko Matos bilang Henry at pang-leading man ang appeal ni Carl Guevarra as Calvin, na nakilala ni Iyong sa pagdating sa Maynila. May chemistry si Katrina sa tatlong lalaking nabanggit. Mahirap lang ikuwento ang nasabing pelikula para iwas spoiler.
Hanggang ngayong araw na lang puwede mapanood ang ToFarm Film Festival in selected cinemas. Expected na magkakaroon pa ng screening schedules sa iba’t ibang micro cinemas sa bansa. Wish lang namin na mas marami pa ang makapanood ng pelikulang ito dahil naaayon din ito sa kasalukuyan.
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club