WE FEEL FOR Katrina Halili. Kahit hindi kami close sa kanya at hindi namin siya kaanu-ano, nandu’n ang simpatiya namin sa kanya matapos ibasura ng korte ang kasong isinampa niya laban kay Hayden Kho.
Pumanig ang korte kay Hayden Kho. Hindi nito kagustuhan na kumalat at hindi rin napatunayang mastermind ito sa pagkalat ng sex video nila ni Katrina.
Habang nagbubunyi naman ang kampo ni Hayden ay nagwi-wish din ito na sana, isang araw ay makapag-usap sila ni Katrina at mapatawad siya.
Sa kultura ng Pinoy, ‘pag ang may kasalanan ay nagpapakumbaba, inamin ang pagkakasala, nagsisisi at humihingi ng pagpapaunawa sa naagrabyado, lumalambot ang puso natin.
Ngunit ang Gabriela ay tinutulan ang pasya ng korte. Isa uli itong isyu. Walang katapusang isyu.
SA TWITTER PAGE ni @katrina_halili, natalo na sa korte ay sige pa rin ang panghuhusga ng mga tao kay Katrina.
Kaya naman napikon na si Katrina, lumitanya siya nang mahaba. Narito: “Ang Linis linis ng ibang tao dyan. Napaka, ubod ng linis! Ok Lang ako wag kayo mag alala. Wala talagang kadumi dumi….. Nakakasilaw Sa linis…. Harapin nyo un sarili nyo. Tingnan nyo pati Sarili nyo dnyo makita Sa Silaw.
Ate Nessy sorry hindi Lang ako plastic na Tao at matagal na ko nagtitimpi na magsalita talaga. Gusto ko Lang iparating Sa kung sino man sila. Hindi ako natatakot! At Hindi ako yun tipo ng taong magpapabastos, at hahayaan kong bastusin ako. “Yun Lang tapos na, nasabi ko na, at Hindi ko sila kailangang iplease! Pare pareho tayong Tao dito! Sana Lang Hindi pairing ang mga edad, sana matuto tayo. Hindi tayo pinag-aral para pagtsismisan ang buhay ng Tao. Akala ba Nila Sa mga panghuhusga Nila habang nakikiusyuso Lang sila e Hindi cla nagkakasala. Hindi Lang yung ginawa ko Mali. Mas lalong Mali ang manghusga lalo naman kung dmo alam yung totoong pangyayari.
“I’m sorry matagal na ako nagtitimpi na mag salita! Sa totoo Lang! Sa akala ba ng marami ginusto ko yun nangyari, na ginagamet ko yung pagsampa ng kaso para maiangat ang pangalan ko. At magkaron ng trabaho. Baliw Lang ang taong mag iisip nun. Napakaganda bang ipagsigawan Sa mundo yung nangyari saken. Alam ng diyos na Hindi career ang habol ko nung ilaban ko yun kaso. Kung wala kayong malasakit Sa kapwa nyo manAhimik kyo.”
Hinay-hinay lang sa paghuhusga, dear readers. Dapa na ‘yung tao, ‘wag na nating ingud-ngod pa sa lupa.
NAKAKATUWA NAMAN SI Ms. Zsa Zsa Padilla sa Twitter. Tinanong siya ng isang follower niya kung ano ang kanyang Christmas wish, ang sagot niya:
“Pwede mag request na pa Christmas nyo na lang sa akin to watch Father Jejemon?”
At ang nakakalokah, naglitanya rin nang mahabang tweet si Ms. Zsa Zsa sa isang detractor follower ng anak niyang si Karylle.
“Bilang magulang, d kailangang maging sikat ang anak mo para maging proud ka sa kanya. Napakabuting tao ni @anakarylle. And for that alone, proud ako sa kanya. Pag nilalapitan ako ng tao at sinasabi sa akin na napakabait na Tao ni Karylle, that makes my heart full- knowing that as a parent, i have done something good.
To some, I may not be deser-ving to have great girls but I have always been a good daughter so I know this is good karma. Di kawawa ang anak ko. She has so much to offer. Let love and peace reign this christmas season. That’s what CHRISTmas is all about”
Ang nakakatuwa, hindi nagtaray si Ms. Zsa Zsa. Ginamitan niya ng mahinahong paliwanag.
Ang breeding talaga, hindi mo mabibili saanmang tindahan.
Oh My G!
by Ogie Diaz