Katrina Paula, balak mag-produce ng indie film tungkol sa kanyang buhay

Katrina-PaulaKASABIHAN SA showbiz: once an actress, always an actress.

Over the weekend, muli naming nakasama ang dating sexy star na si Katrina Paula upon a dinner invitation ng kaibigang Richard Pinlac. Kelan pa ba namin huling nakatsikahan ang hitad?

Oh, many years ago. ‘Yun pa ‘yung live guest namin siya sa Startalk noon, with Joey de Leon as the interviewer. Kasagsagan noon ang isyu tungkol sa mga aktres na sumasaydlayn sa mga mayayamang parokyano kapalit ng you-know-what.

Sa episode na ‘yon, walang takot na inamin ni Katrina—Angeline Yap, sa tunay na buhay—na totoong may mga ganoong transaksiyon. Pero hanggang show-up lang daw siya, for which may katapat na “tsika fee” whether or not the deal was consummated.

Mula noon, naging tahimik na ang buhay ni Katrina, hindi na rin kasi uso ang mga bold films noon until muling pumutok ang kanyang pangalan, her name dragged as the live-in partner of an alleged big-time leader of a carnapping syndicate: si Raymond Dominguez, pati kapatid nito.

Dahil damay si Katrina, maging ang pension ng kanyang dating asawa ay na-freeze (under AMLAC).

Now a mother of four—naging interesado ang programang Magpakailanman ni Mel Tiancgo na isadula ang kanyang buhay following that incident.

Sa labas ng kinainan namin sa Golden King Buffet Restaurant owned by Jason Abalos and Jordan Chua on Macapagal Blvd. (na anak-anakan pa wayback ni Cristy Fermin), kuwento ni Katrina: “Isang researcher named Chloe ang tumawag sa akin, gusto nga nilang i-feature ‘yung kuwento ko sa Magpakailanman. Ang tanong niya sa akin, ano raw ba ang highlights ng buhay ko? Ang gusto kasing mangyari nu’ng Chloe na ‘yon, sa bibig ko mismo manggaling na hindi lang ako bold star dati, kundi worse pa du’n… na ang dyowa ko, eh, isang carnapper! Ang sa akin lang naman, ni-research n’yo nga ‘yan, ‘di ba? Bakit hindi n’yo na lang ako diretsahin?!”

Disgusted, bigla tuloy naisip ng hitad na magprodyus na lang ng indie film, kung saan du’n niya ilalahad ang kanyang siyento porsiyentong buhay. Itsurang The Untold Story of Melanie Marquez ang peg!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleJohn Prats, kayod-marino para sa binubuong pamilya
Next articleEjay Falcon, ‘di mapagpatol at marespeto sa babae

No posts to display