HAPPY RAW ang teen actor na si Hiro Magalona sa magandang itinatakbo ng career ng kanyang dating ka-loveteam na si Kim Rodriguez.
Ayon kay Hiro, deserving naman daw si Kim kung ano mang blessings ang meron siya ngayon.
Maganda at magaling umarte ang description ni Hiro kay Kim, nanghihinayang lang daw siya dahil hindi nagtuluy-tuloy ang loveteam nila from Tween Hearts to Iglot at pinaghiwalay na kaagad sila ng GMA-7.
Katulad ni Kim, nakatakda ring palitan ang surname ni Hiro sa susunod nitong proyekto sa GMA-7 at hindi na nito gagamitin ang apelyidong Magalona na ginamit niya nu’ng nagsisimula pa siya, para raw magkaroon ng sariling identity at hindi ma identify sa Magalona siblings.
Aprubado naman daw kay Hiro na palitan ang kanyang apelyido, dahil ang mahalaga raw rito ay magkaroon siya ng sunud-sunod na proyekto sa Kapuso Network. Ilang buwan na ring bakante si Hiro at tanging Walang Tulugan lang ang kanyang regular show ngayon. Pero umaasa pa rin itong tutuparin ng GMA-7 ang pangakong sabay ng pagpapalit ng kanyang apelyido ang isang maganda at malaking show na kanyang sasalihan.
GOING INTERNATIONAL na ang Tween Star na si Teejay Marquez dahil lilipad ito patungong Malaysia sa Linggo, April 21 para mag-shoot ng TV commercial ng isang sikat na telecom. Bukod sa paggawa nito ng TVC, magpipictorial din ito para sa malalaking billboard na ilalagay sa iba’t ibang sulok sa Malaysia.
Hindi nga lang pasok ang maamo at magandang mukha ni Teejay sa Pilipinas, kung saan linggo-linggo yata ay may TVC o poster itong lumalabas ng iba’t ibang produkto, dahil kahit sa ibang karatig-bansa sa Asya ay pasok na rin ang looks nito.
Bukod sa sunud-sunod na TVC, kasama rin si Teejay sa bagong show ng Kapuso Network, ang Home Sweet Home, kung saan ginagampanan niya ang role na kapatid ni Bea Binene na si Coco.
Tsika ni Teejay na mula April 21 to April 23 raw siyang mag-stay sa Malaysia para gawin ang TVC at pictorial para sa nasabing telecom. First time daw nitong pupunta ng Malaysia kaya naman daw excited siya na malibot ang magagandang lugar sa nasabing bansa after ng kanyang shooting at pictorial.
NAG-SELEBRA NG kanyang 19th birthday ang young kontrabida ng GMA-7 na si Rhen Escano, na huling napanood sa Paroa, kamakailan na ginanap sa Walang Tulugan with the Master Showman, kung saan isa ito sa teen co-host ni Kuya Germs.
Simple lang ang hiling ng magandang young star at ito ay ang magkaroon siya at ang kanyang pamilya at mga mahal sa buhay ng maganda at malusog na pangangatawan. Bukod pa sa sana raw ay magsunud-sunod ang dating ng magagandang proyekto sa kanya.
Okey lang daw kay Rhen ang ma-identify siya as kontrabida dahil ‘yun naman daw ang role na bagay sa kanya. Basta ang mahalaga raw ay may trabaho siya at hindi nababakante.
Sa ngayon daw, naghihintay pa si Rhen ng kanyang next project sa GMA-7 at pa-guest-guest lang muna sa mga show ng Kapuso Network. Ang recent guesting nga nito ay sa Magpakailanman, kung saan ang role ng isang syota ng tomboy (Andrea Torres) ang role nito na mapapanood sa April 20.
John’s Point
by John Fontanilla