AS AN ACTRESS, pinatunayan ni Katya Santos ang galing niya sa pag-arte sa mga makabuluhang pelikulang ginawa under Viva Films. Naging commercial model at the age of four, child star ng Ang TV at sitcom na Oki Doki Doc with Aga Muhlach. Naging seryosong actress din sa telebisyon nang gumanap siyang kontrabida sa TV series na Anna Karenina.
Oo nga’t nagpaka-daring si Katya sa launching movie niyang Sukdulan, pero umani naman siya ng papuri mula sa mga batikang kritiko. Unang inialok sa kanya ang Balahibong Pusa at remake ng Scorpio Nights na pareho niyang tinanggihan.
“That time, hindi pa ako ready to go bold, kaya ang Sukdulan ang first solo movie ko. Wala akong regrets kahit daring ‘yung role ko rito with Raymond Bagatsing. After that, nagkasunud-sunod ang movie projects ko, apat bale ‘yung solo movie na nagawa ko na ako ang bida,” pasimula ni Kat.
Maamong mukha at nagmumurang dibdib ang naging puhunan ni Katya para marating ang kasikatang kinalalagyan niya sa ngayon. Pinantasya, pinagpiyestahan ng kalalakihan ang mala-dyosa niyang kagandahan sa iba’t ibang men’s magazines. Siyempre, dumating pa sa punto na may mga indecent proposals na natatanggap ang sexy actress.
“Ay, naku, totoo ‘yan! Kung naging materialistic lang ako, siguro rich na ang lola mo. Maraming nag-offer kaya lang talagang hindi ko kayang gawin. Ako ang tipo ng babae na hindi mo makukuha sa materyal na bagay,” sey ni Kat.
Lalong pang nangningning ang bituin ni Katya nang maging member siya ng Viva Hot Babes ni Vic del Rosario. Kaliwa’t kanan ang shows here and abroad, product endorsements, etc. Hindi kaya dumating sa point na nagparamdam si Boss Vic na type niya ang actress- singer? “Hindi! Anak na ang turing sa akin ni Boss Vic, walang malisya ‘yung pagtulong niya sa akin. Since na naging contract star ako ng Viva, hindi na ako umalis sa kanila. Actually, ABS-CBN talent ako, na-pirate lang ng Viva Films. Wala akong regrets, anytime na kailangan ko ng tulong nila, all-out support sila sa akin. Ang maganda sa Viva, itinuturing nila akong pamilya,” tsika ng dalaga.
Hanggang ngayon body beautiful pa rin si Katya, mas lalo nga naging kaakit-akit sa paningin namin. Wala pa ring kupas, sensual pa rin through the years. Kung pakikipagrelasyon din lang ang pag-uusapan, hinog na sa karanasan ang dalaga. Ilang lalaki na kaya ang nagdaan sa kanyang buhay? “Sixteen, may boyfriend na ako, four years din ‘yung relationship namin. ‘Yung second boyfriend ko, namatay sa shower heater sa Puerto Galera. Hindi ako kasama, medyo cool-off kami that time, babaero ‘yun. Nandu’n siya dahil may ka-date na Brazilian girl, nalaman ko lang sa friend ko. Then, ‘yung pangatlo, years din tumagal pero nagkahiwalay rin kami. ‘Yung last relationship ko, long distance love affair. Mahirap makipag-relasyon na malayo kayo sa isa’t isa, nasa probinsiya siya dahil du’n ang trabaho niya. Ako naman dito sa Manila, para magkita kami, kailangang sadyain ko siya or siya ang pumunta rito sa Manila. Mahirap, nakapapagod na ring makipagrelasyon, palaging ako ang nag-aalaga at umiintindi. Nakipag-cool-off ako kasi wala rin pupuntahan ‘yung relationship namin. Hindi pa ako ready to settle down… have a family of my own. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. I need space for myself, walang commitment… ‘yung libre akong gawin ang gusto ko. If ever na makikipag-boyfriend uli ako, ‘yung ako ang aalagaan. ‘Yung bang… magkasundo kami sa maraming bagay, naiintindihan niya ‘yung ginagawa ko. Tanggap niya ang buo kong pagkatao bilang ako. Nakipag-cool-off ako ngayon kasi, I need space for myself. Magagawa ko ‘yung gusto kong gawin na wala akong iniintindi na kailangan kong magpaalam. I’m happy being single now, ini-enjoy ko ‘yung freedom ko,” kuwento niya.
Pinakamatinding intrigang ibinato kay Katya? “’Yung issue na nagka-baby na raw ako. Kung sakaling nabuntis ako, hindi ko itatago. Sa totoo lang, gusto kong magka-baby kahit hindi ako panindigan ng lalaki nakabuntis sa akin. Kaso mo nga, hindi totoo ‘yung mga bali-balitang naglabasan sa tabloid. Tumaba kasi ako noon kaya marami ang nag-akalang nabuntis ako,” pagdidiin ng dalaga.
Masinop sa buhay si Katya, may sariling franchise ng Mini-Stop sa Pasong Tamo, may sariling sasakyan at nakabili na rin ng lupa sa Antipolo na plano niyang patayuan ng bahay para sa kanyang pamilya. “This year, sisimulan na, blue print na lang ang hinihintay ko, may kaunti kasing changes sa layout ng house. Kailangan kong kumayod ngayon kasi dream house ko ‘yung ipagagawa ko. After na matapos ‘yung house, plano ko namang bumili ng condo unit. Investment lang, pauupahan ko para may income every month. Gusto ko na ngang bumalik uli sa soap para tuluy-tuloy ang trabaho. Basta markado kahit kontrabida okey sa akin, mas challenging nga ‘yun. Trabaho ang kailangan ko ngayon kaya wala akong panahon muna sa mga lalaki!”
Oo nga naman.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield