+63910877xxxx – Magandang araw po sa inyo, Mr. Tulfo! Isa po akong concerned citizen at nais ko pong isumbong sa inyo ang tungkol po sa isang patahian dito sa aming barangay sa San Antonio 1, San Pablo City dahil hindi po maayos ang pasahod sa mga manggagawa. Wala po sa minimum ang kanilang pasahod at laging partial pa. Wala rin pong SSS na dapat meron ang isang manggagawa. Wala po ka-sing naglalakas-loob na magreklamo kasi natatakot po sila na matanggal sa trabaho. Mahigit 100 ang mga empleyado rito sa nasabing patahian. Sana po ay makagawa po kayo ng paraan para matulungan po ang mga pobreng manggagawang ito. Salamat po!
+63922233xxxx – Good day po, Idol Raffy! Nais po na-ming idulog sa inyo ang aming problema sa drainage dito sa
aming lugar sa Sta. Ana, San Mateo, Rizal. Sana po pakitulungan ninyo kami na kalampagin ang aming kapitan na si Kap. Joel Diaz. ‘Yung mga drainage po rito halos lahat barado kaya madaling magbaha. Pinagaganda po ‘yung barangay hall, samantalang ang kalsada naman hindi nakikita dahil konting ulan baha na po agad. Lubos po kaming u-maasa na maaaksyunan ang aming hinaing na ito. Mara-ming salamat po!
+63908344xxxx – Sir Raffy, magandang araw po sa inyo! Gusto ko lang pong isumbong sa inyo ang sobrang garapal na ASBU ng Manila na maski hindi mausok ang sasakyan, binabaklas pa rin ang plaka. At gusto po nilang aregluhin sa pamamagitan ng pagbabayad. Tama po ba iyon? Sana po mapaimbestigahan ninyo ito at kung maaari ma-video-han para malaman ng lahat ang kalokohan ng mga ASBU na ‘yan. Salamat po sa inyo!
+63947521xxxx – Idol, puwede po bang mapa-surveillance ang aming lugar dahil po sa talamak na bentahan ng droga rito sa Biñan, Laguna sa Ilaya, Zone 4. Isang Danilo Teñedo ang may hawak at isang alyas “Tisoy” ang runner nito. Sana po ay masugpo ninyo ang mga taong ito para ‘di na po sila makapambiktima ng mga inosenteng kabataan. Salamat po sa inyong pagtulong sa amin! Mabuhay po kayo!
+63915434xxxx – Good day po, Sir Raffy! Nais ko pong i-dulog sa inyo ang aking reklamo tungkol sa eskuwelahan ng aking mga anak, ang Rangas Elementary School sa Juban, Sorsogon. Naniningil po ng P79 bawat estudyante pambili raw ng plywood pang-kisame sa eskuwelahan at tiket na nagkakahalagang P100. Ang principal po rito ay si Roberto Dolosa. Sana po ay maaksyunan ninyo ito sa lalong mada-ling panahon at mahinto na ang mga iligal na paniningil sa aming mga magulang. Salamat po nang marami, Sir!
+63905857xxxx – Hi Idol! Sumbong lang po namin ang mga barangay traffic enforcer na nangongotong dito sa Brgy. Commonwealth, QC. Isa na rito si Gimotea Samson. Ginawa nilang one way ang Villonco St. Pinaiikot lahat ng sasakyan tapos ang mga tricycle pinadadaan sa highway kaya madalas mahuli ng DPOS. Ikaw na lang po ang pag-asa namin para matigil na ang pangongotong nila. Mara-ming salamat po!
Ang WANTED SA RADYO ay sabay na mapapakinggan sa 92.3 NewsFM, Radyo5 at mapapanood sa Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00pm. Kung mayroon kayong sumbong o reklamo, magsadya lamang sa
aming action center na matatagpuan sa 163-E Mother Ignacia St., Brgy. South Triangle, Quezon City, o mag-text sa aming hotlines: 0917-7WANTED (0917-7926833) o 0908-87TULFO (0908-8788536).
Shooting Range
Raffy Tulfo