BLIND ITEM: KAYA pala hindi ma-sabi-sabi ang dahilan ng hiwalayan eh, dahil ang “laswa” ng dahilan. ‘Eto na. Nasa kotse ang young actor. Maya-maya, nag-hello as in hello nang hello sa kabilang linya ang kanyang girlfriend, pero hindi siya sumasagot.
Hanggang sa naririnig na lang ng girl sa kabilang linya ang, “Ahhh! You’re so hot! Oooh! Suck it! Suck it!” Alam ng girl, boses ‘yon ng kanyang boyfriend, hindi siya puwedeng magkamali.
Alam niyang siya ‘yon, dahil everytime na sila’y magse-sex, naririnig din niya ‘yon sa dyowa niyang young actor, kaya that time, kahit gusto niyang sumigaw at magmura sa telepono, hindi na lang niya ginawa.
Bagkus hinayaan niyang matapos at makarating sa ika-pitong glorya ang kanyang syota, “Ohhhh…Sheeeet! Saraaaap!” ‘Yun na ‘yon. Nag-cum na ang lolo.
Pero hindi pa rin niya ito binulyawan sa telepono. Pinatay na lang niya ang phone. Alam niyang me ibang babaeng humahada sa kanyang boyfriend. At sa kotse pa talaga, dahil nag-one time din sila sa kotse noon.‘Yun yata talaga ang trip ng guy. Feeling macho kapag nakikita nitong nakangudngod sa kandungan niya ang isang babae.
So, ang tanong? Tinawagan ba talaga ng lalaki ang babae para iparinig ang halinghing nito sa kanya?
Nope. Ang totoo: Naupuan ni lalaki ang celfone nito. Eh, ang huling kausap niya ay ang girlfriend niya, kaya nag-automatic dialling ito. Hahahaha!
Hay, nako…napapakamot na lang kami sa ulo. Wala naman kaming kuto.
Kilala mo ba sila, Batangas Gov. Vilma Santos-Recto?
JUICE KO, PATI ang 3-year old daughter namin ay nagha-hum na ng “Nanana-nanana!” na pinauso ng awitin nina Rico J. Puno, John Estrada at Randy Santiago sa Happy, Yipee, Yehey!.
Eh, kung ‘yun lang naman ang chorus, kahit nga yata one year old, kayang kabisaduhin ‘yan kung nakakapagsalita lang siya, eh.
May mga nagsasabi na ano ba ‘yan? Ginaya naman si Willie Revillame noon sa Wowowee na meron ding album?
Juice ko, porke nauna si Wil, hindi na puwedeng sundan, gano’n? I mean, hindi na puwedeng gayahin dahil me nauna na? Eh, ganyan ang negosyo, eh. ‘Yan ang uso, eh. Bakit hindi puwedeng sumunod sa agos?
Lahat ng possibilities para maging mabenta ang isang produkto o ang isang artista, siyempre, pag-iisipan mo. Dahil pagtanda ng mga ‘yan, babagay pa ba?
Basta kami ay happy for the trio “RJR”, dahil kahit aminado silang lost sila sa Eat… Bulaga!, eh they are doing a great job to make people happy.
Ingles talaga, ‘di ba?
I need to, eh. Chos.
NAKAKAALIW ‘YUNG IBA. Gusto nila, kami ang gumanap sa character ni Marcelito Pomoy sa Maalaala Mo Kaya, pero ang alam namin, ‘yan ay gagampa-nan na ni JM de Guzman. Eh, kami ang ipinipilit nila, dahil ka-fez daw namin.
Mas makapal nga lang mag-make up kesa sa amin si Marcelito, pero hindi nga maitatatwang parang siya ang nawawala naming nakababatang kapatid. Hahahaha!
Anyway, si Marcelito ay magkakaroon ng show sa Zirkoh this Aug. 31 at 9.30pm. At guests niya ang Pilipinas Got Talent 2 finalist na tinaguriang Bruno Mars of the Philippines na si Buildex, ang mga nakakatawang stand-up comedians na sina Divine Tetay at Donita Nose, At ang naka-hit na ng isang milyong mahigit na views sa YouTube, ang batang flute vendor sa harap ng Puregold Clark, si Arjohn Gilbert (isang Aeta) na napakaganda ng boses at nag-trending pa sa Twitter worldwide nang mag-guest sa Gandang Gabi, Vice! at binigyan ng moment ni Vice Ganda.
Feeling namin ay magiging successful ito, lalo na’t ang part of the proceeds ay mapupunta sa paborito naming ChildHaus Foundation, kung saan me bago nang tirahan sa Proj. 8, Q.C. ang mga batang may sakit.
Sa mga gustong manood, tawag lang kayo sa 0927-3234351 at mura lang ang ticket, P600 lang. Nag-enjoy na kayo, nakatulong pa kayo sa ChildHaus Foundation, promise.
Oh My G!
by Ogie Diaz