HINDI PA rin matiis ni Jacky Woo ang showbiz dito sa Pilipinas, matapos maloko na naman ng isang Pinoy nang nakawan na naman ito ng 150,000 pesos para lang tulungan ang isang tao na makaibang bansa. Meron kasi siyang baguhang staff na gustong isama sa trip niya sa Guam. Para makakuha ng US visa ay pinaluwal niya ito ng show money at bank account na ipapakita sa US Consul. Pero late na nang madiskubre na hindi pa man na-iinterview ay naubos na ang pera.
Sobra ang galit at depresyon ni Jacky nang makaranas muli siya ng panloloko ng isang Pinoy na gusto niyang tulungan. Habang sariwa pa ang pangyayari ay nagdesisyon si Jacky na huwag nang bumalik ng Pilipinas at i-give up ang pagtulong niya sa showbiz industry sa Pilipinas.
Kaya halos limang buwan na siyang hindi bumabalik ng Pilipinas. Lumipas ang mga araw at napawi ang sama ng loob niya na ngayon ay nagbabalak siyang bumalik ng Pilipinas. Bukod sa pagbabalik-show rito sa Pilipinas, balak naman niyang maghanap ng mga lugar na kailangan ang tulong niya lalo na sa mga kabataan na kulang ng mga paaralan, gaya ng ginawa niya sa isang barangay sa Nueva Ecija.
Bukod sa pagiging abala niya sa mga negosyo niya sa Japan, maraming notice na siyang natatanggap mula sa iba’t ibang bansa para sa screening ng Death March na nagkaroon ng magandang exposure sa Cannes Film Festival kamakailan lamang. Alam namin, ang pinakamalapit na schedule ay sa Busan International Film Festival sa Korea sa October.
Sa nakita naming listahan until the end of the year ay isang damakmak ang line-up ng Death March na inaasikaso ng mga agent na kausap nila noon sa Cannes. Bale sila ang in-charge sa film distribution ng Death March.
Miss na miss ni Jacky Woo ang Bubble Gang na matagal na siyang hinihintay. September daw ang balik ni Jacky sa bansa.
HINDI NA nagawang tapusin pa ang photo-ops ng grupong UPGRADE sa kanilang magkasunod na show sa Isetann Cinerama Complex last Aug. 10 hatid ng Talents Manila, at sa SM San Lazaro last Aug. 11, na parehong sinuportahan ng New Placenta, Rescuederm at Unisilver Time.
Baka raw magkaroon ng stampede, kaya naman nagdesisyon na ang pamunuan ng Isetann Cinerama na paalisin na ang grupo ng UPGRADE at isakay na sa kanilang service na naging dahilan para maghiyawan nang malakas at umiyak ang ilang mga tagahanga na nagmula pa sa Olongapo, Pampanga, Bulacan, Batangas at hindi nagawang makalapit at makapagpalitrato sa kanilang idolong boyband.
Sa sobrang dami nga ng taong pumunta ay halos magka-stampede sa meet and greet ng mga ito sa SM San Lazaro, dahil na rin sa sobrang wild ng mga fans na nanood. Kaya naman nahirapang ilabas ng mga security guards ng SM San Lazaro ang UPGRADE sa dami ng tao at hindi naiwasang makalmot sa mukha at braso ang ilang miyembro nito habang ang iba naman ay nasampal at halos mapilayan sa kahahatak ng mga fans.
NAGING ISANG napakalaking tagumpay ang advance/ press preview ng international fim na Metro Manila na ginanap last Aug. 13 sa Cinema 2 ng SM The Block, North Edsa na hatid ng Captive Cinema.
Director ng said film ang mahusay na director na si Oscar at ng BAFTA nominated British Director Sean Ellis. Kung saan ang pelikulang ito ay pinagbibidahan nina Althea Vega at John Arcilla.
John’s Point
by John Fontanilla