MATAPOS ANG mahigit isang taong hindi pagharap sa kamera ay humarap si JM de Guzman sa isang exclusive interview sa The Buzz. Dito ay isa-isa niyang sinagot ang mga kontrobersiyang kinasangkutan niya tulad ng pagpasok diumano niya sa isang drug rehabilitation center.
The young actor made a comeback via ABS-CBN’s legal drama series Ipaglaban Mo. He also wishes to do a teleserye at sobra raw siyang mae-excite if he’ll be given the chance.
He was at the peak of his career and doing Angelito: Ang Batang Ama nang bigla siyang nawala na parang bula. Ano ba ang nangyari sa kanya?
“May mga kailangan akong ayusin sa sarili ko dahil nagkaproblema po ako,” pag-amin niya.
When he was doing Angelito ay maraming ipinukol na intriga laban kay JM tulad ng mahirap daw siyang katrabaho, wala sa kanyang sarili, nagpa-pack-up ng taping, at nagiging problema. What is the truth behind these allegations?
“Totoo po, naging iresponsable po ako. Nawala po disiplina ko, lumaki po ulo ko, napunta po lahat sa ulo ko. I lost control,” he said.
JM admitted that he went to a rehab because of drug abuse. “Yes, Tito, ipinasok po ako sa rehab dahil gumamit po ako ng drugs. Sinubukan ko iyong ‘di dapat subukan.”
Ano ba ang nagagawa ng droga? “Pakiramdam ko parang lumalawak iyong pag-iisip ko. Pakiramdam ko lang, rason lang pala, para pagtanggol ko dahil masarap po.”
Who suggested he went to a rehab? “Noong una po ako na rin nagprisinta. Sinabi ko na kailangan ko ng tulong. ‘Pa-rehab n’yo ako. Kung may alam kayong rehabilitation na puwede kong pasukin.’ After two months siguro after sinabi ko iyon, nagulat na lang ako, nabigla na lang ako.” Kinausap daw niya tungkol dito ang kanyang Lolo Kune who recently passed away.
I asked him kung ano ang nag-trigger kung bakit niya nasabing kailangan niya ng tulong. “Mentally, hindi na ako makaisip nang diretso. Hindi ko na mapagkatiwalaan iyong sarili kong desisyon, responsibilidad, disiplina. Emotionally, hindi ko na kayang i-control.”
JM recalled the day nang pumasok siya sa rehab. “Ang naaalala ko paggising ko may anim na malalaking tao. Humawak sa ulo, kamay, paa ko. In-injection-an ako ng pampatulog. Dinetox ako for one week. After one week, sinundo na po ako sa rehab.”
“Ten months nandoon lang ako sa loob. Hindi ako lumalabas. May structure ang araw namin. Simula pagkagising – exercise, magwawalis-walis, prepare ng breakfast tapos sisimula na ang usap. Pasok na kami sa loob ng bilog. Magkukumustahan.”
Paano nabago si JM ng karanasang ito? “Na-appreciate ko iyong simpleng bagay na binibigay sa akin, nilalapat sa akin ng Diyos. Noon, wala akong kinikilalang kahinaan ko, eh. Akala ko kaya ko lahat.”
JM’s drug rehabilitation program is for 15 months. Dalawang buwan na lang daw bago niya ito matapos. “Lifelong recovery,” ayon kay JM.
JM denied na may kinalaman si Jessy Mendiola kung bakit siya nalulong sa bawal na gamot. “Sa bisyo ko, sa mga ginawa ko sa sarili ko, walang kinalaman si Jessy. Desisyon ko iyon. Choices ko iyon and naging rason iyon kung bakit kami naghiwalay.”
Nagpapasalamat si JM sa ibinibigay sa kanyang pagkakataon na magsimulang muli sa showbiz.
“Hindi lahat ng tao, binibigyan ng ikalawang pagkakataon,” sabi niya.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda