NAUNA NA ang Paparazzi Showbiz Exposed noong Sabado, July 7, sa paghahatid ng mga latest na kaganapan sa wedding nina Marco Alcaraz at Precious Lara Quigaman at nag-live remote broadcast ang show sa mismong pagdarausan ng wedding ceremony at reception sa Hacienda Isabella sa Indang, Cavite.
Ayaw mang kumpirmahin ng aming source, pero halatang malaki na ang tiyan ng dating Miss International at ngayo’y Mrs. Alcaraz nang si Precious. Ayon pa sa iba naming mga nakausap, six months towards motherhood na nga si Lara at kitang-kita naman naming super in love talaga ang bagong couple.
Kahapon, July 8, 2012, ang nakatakdang kasal ng dalawa sa may poolside ng Hacienda Isabella na isang makeshift feel sa pangarap sana nilang beach wedding dahil napapalibutan ng mga buhangin ang lugar.
Ayon pa sa pakikipag-usap namin sa dalawa a day before their wedding, binabalak nilang sa Maldives sila maghaha-honeymoon. Congrats sa inyo Mr. and Mrs. Marco and Lara Alcaraz.
ISANG GABING nag-dinner kami somewhere in Timog, namataan namin ang miyembro ng XLR8 na si Arkin del Rosario. Nilinaw namin sa kanya ang tsismis kung tsugi na nga ba ang XLR8 sa Party Pilipinas, dahil hindi na ito napapanood nang ilang linggo ng mga fans ng dance group.
Pero ayaw magsalita ni Arkin dahil wala raw siyang alam na ganu’ng tsismis. Ang alam lang daw niya, nagpapahinga lang muna ang grupo dahil kailangan daw ng show na buo sila laging sumsayaw every Sunday at hindi ‘yung kulang-kulang.
Masaya namang ibinalita sa amin ni Arkin na nga-yong Sabado na, July 14, ang first shooting day nila ni Teejay Marquez ng indie film na Mohammad/Abdullah, kung saan ginagampanan niya ang role ni Abdullah.
Hindi raw gay film ang pelikula pero may sorpresa raw itong twist sa dulo na sangkot ang dalawa nilang karakter ni Teejay. May ganu’n ba? Well, maganda daw ang takbo ng istorya na kailangan daw talaga nila ang halos araw-araw na workshop upang mapanindigan nila ang ipinagkatiwalang starring role sa kanila ng kanilang producer. Kaabang-abang ito!!!
BUSY NA naman ang mga miyembro ng Philippine Movie Press Club, Inc. para sa kanilang 4th Star Awards for Music na gaganapin sa Meralco Theater, Ortigas Ave., Pasig City sa September 9, 2012.
Ayon pa sa aming kaibigang si Roldan Castro, na president ng grupo at siya ring tinaguriang ama ng Star Music Awards, “2009 nang ipanganak ang Star Awards for Music, kung saan ay dumaan kami sa butas ng karayom para masimulan ito. Para namin itong anak na nakikitang lumalaki at ngayon ay mapapanood na sa isang malaking network.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato