NOONG nag-umpisa sa ere ang romance-comedy series ng GMA-7 na “Love You Two”, hindi masyadong solb ang mga manonood sa story line na dalawang magkapatid (played by Jennylyn Mercado and Shaira Diaz) ang magtutunggali sa puso ng isang mas nakakatandang lalaki (Gabby Concepcion). Marami din ang nagtaka kung bakit tila “one of those” lang sa cast si Solenn Heussaff. ‘Yun pala, may surprising yet welcoming twist ang programa.
In last week’s episode, ang mag-ex na sina Jake (Gabby) at Lianne (Solenn Heussaff) ay umamin na pareho silang may gusto kay Raffy (Jennylyn Mercado). Yes, lesbian or bisexual ang role ni Solenn dito at tila mag pagtingin din sa kanya si Raffy.
At least, hindi ang usual na kontrabidang atribida ang ingliserang sexy ex-girlfriend. This time, siya na ang karibal sa puso ng isa pang magandang babae, huh!
Based on the tweets and feedback of the netizens, mas napatutok sila sa show sa bagong development na ito. In fairness, kering-keri ni Solenn ang kanyang papel bilang lipstick lesbian at marami ang natuwa lalo na ang mga taga-LGBTQ community.
Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na sumang-ayon sa girl-to-girl roles ang dalawa. Solenn was part of “The Rich Man’s Daughter” bilang isa sa mga nakarelasyon ni Glaiza de Castro, while Jennylyn naman played a role of a woman in a relationship with a butch (played by Manilyn Reynes) sa sexy film na “One Night Only” ten years ago.
Mukhang may bagong “ship” na sasakyan an gating mga kapatid with Jennylyn and Solenn, huh!