HINDI PALA nakapagpatuloy ng kanyang pag-aaral ang guwapong anak ni Laarni Enriquez at Manila Mayor Joseph Estrada na si Jake Ejercito sa London.
“Na-late siya ng two weeks sa enrolment. Kaya he is now studying in Singapore,” sabi ng ina niya sa amin.
Sa ngayon, Jake is taking up a business course na hindi pa rin alam ng kanyang ina kung papasukin din ba niya ang local politics tulad ng mga anak ni Mayor Erap na sina Senators Jinggoy at JV.
“Bahala siya as long as tapusin niya ang kanyang studies,” dagdag ni Laarni.
At kumusta naman si Andi Eigemann na sinasabing nagkabalikan sila ng anak niya: “Jake told me na girlfriend niya si Andi noong una but now, I don’t know kung nagkabalikan sila. Si Andi kasi, hindi nakapaghintay when Jake left for London for his studies.”
If given a chance to be able to talk to Andi: “Ikaw talaga, basta… saka na,” sabi ng nanay ni Jake sa amin na ang sub-text, huwag na!
Piolo Pascual at Gerald Anderson, pinagkukumpara ang galing sa pag-arte
SA WEDNESDAY na ipapalabas ang pelikulang 0 (On The Job) ni Erik Matti na pinagbibidahan ng tatlo sa mga magagaling nating mga artista na sina Gerald Anderson, Joel Torre at Piolo Pascual.
Ang pelikula ay bahagi ng ika-20 taong anibersaryo ng Star Cinema, kung saan ang tatlo ay makikipagtagisan ng galing sa pag-arte lalo na’t sina Piolo at Gerald ay isa sa mga prime actors-performers natin sa kasalukuyan na kung paniniwalaan ang mga intriga, may rivalry diumano ngayon ang dalawa kung sino sa kanila ang mas magaling umarte.
Sa kaso naman ni Joel, napatunayan na rin naman niya sa simula pa lang nang ma-discover siya ni Derek Peque Gallaga na magaling siyang artista and no doubt sa puntong ito.
Base sa trailer ng pelikula, ang bilis ng mga eksena. Very foreign film ang dating, lalo pa ang mga camera works ni Direk Erik na hindi ka mabo-bore.
Kung hindi ako nagkakamali, first ever action-packed film ito nina Piolo at Gerald where the former portrays an NBI agent while si Gerald naman ay gumaganap bilang hired killer na nakakulong (p’wede pala ‘yung nagsa-sideline ka sa loob ng preso).
Maganda ang plot ng pelikula na based sa mga tunay na mga pangyayari tulad ng mga inilalabas na mga preso sa gabi para gumawa ng krimen sa utos ng mga nasa “itaas” para nga naman walang suspect dahil ang tumitira at nagtutumba ay nakakulong.
Teleserye ni Juday, tinapos na para sa Daniel-Kathryn series
NAGTAPOS NA ang magandang teleserye ng Kapamilya Network na Huwag Ka Lang Mawawala ni Judy Ann Santos last Friday.
Tonight, magsisimula ang Got To Believe teleserye ng loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Hopefully, sa mga fans ng dalawang bagets na nagkukumahog na maipalabas ang bagong show ng idols nila, sana suportahan nila at hindi lang puro satsat ang mga panchita ng dalawa.
Based on the trailer, cute ang dalawa sa bago nilang show na sana pumalo nang maganda sa rating game.
I myself, nanghihinayang sa pagmamadaling pagtatapos ng show nina Juday, Sam Milby at KC Concepcion pero hindi naman ako nagmamay-ari ng ABS-CBN para huwag madaliin ang HKLM kahit kagustushan na rin ni Juday.
Reyted K
By RK VillaCorta