OLA CHIKKA! PATAPOS na ang linggo ngunit hindi pa rin paaawat ang mga maiinit nating chikka tulad na lamang nitong pagbabalik-telebisyon ni Willie Revillame sa pamamagitan ng Kapatid Network. Halos wala nang pinag-iba ang kanyang Willing Willie sa Wowowee maliban na lamang sa kanyang mga co-hosts.
Magkasing-linaw ng ere sa telebisyon, sponsors at over-all format ng show ay aakalain mong iyon pa rin ang dati mong pinapanood. ‘Yun nga lang ay sa Singko na at lubog na ang araw.
Mukhang paglubog ng araw ay siya ring paglubog ng rating nitong TV Patrol. Paano ko nasabi? Sa hirap ng buhay ngayon ay siyempre mas nanaiisin na ng NAKARARA-MING tao na kumita ng pera kaysa makinig sa mga problema ng mundo. Katatawanan laban sa problema, hindi ba?
Sa dami ng perang ipinamumukadkad nitong si Willie sa mga manood, sino nga naman ba ang hindi mawiwili? Magpaawa ka lang nang bongga ay tiyak sulit ang pagpunta mo roon. Hindi katulad nitong sa TV Patrol na bagama’t mas importanteng bagay ang mapupulot ay siya rin namang kinawalan ng gana ng ilan sa mga manonod dahil nga rito sa muling pagbabalik-public service o paghahatid balita matapos pasukin ang mundo ng pulitika.
Sa pagkawala nina Julius Babao at Karen Davila, siya namang pagpalit nitong batikang mamahayag na si former vice-president Noli De Castro at si Korina Sanchez na todo-suporta para sa kanyang asawang si Mar Roxas na tumakbo bilang bise-presidente, ngunit natalo lamang. Marami ang nagtaas ang kilay, dahil matapos iwanan ang pagiging broadcaster, kahit sabihin nating pansamantala lamang, ay saka babalik matapos mabigo. Marami na ring balitang kumakalat tungkol sa hindi nito magandang pagtrato sa mga kasamahan sa industriya.
May mga intriga ring nadawit ang pangalan ni former VP Noli na hanggang sa ngayon ay wala pa ring kasiguraduhan, ngunit nakaapekto kahit papaano sa kanyang pangalan. Kaya sa muling pagbabalik nilang dalawa ay may ilang mga taong nawalan na ng tiwala sa kanila na malamang ay makaaapekto maging sa kanilang programang TV Patrol. Tsk, tsk, tsk… No worries! Malamang kayang-kaya iyan ni Papa Ted Failon!
KUNG MATATANDAAN N’YO, minsan ko nang naisulat dito sa aking column itong si Zac Zaguirre aka Phytus na dati lamang child actor na kasama ko sa pelikulang Masikip sa Dibdib at ilang beses na ring na-nominate sa iba’t ibang award-giving bodies na ngayon ay mapapanood na sa Mara Clara ng Dos.
Kitang-kita sa bata ang potential sa pag-arte kaya naman sa libu-libong nag-audition para sa kanyang posisyon, siya lang ang nakuha. Maaaring ito na ang kinakailangan niyang break upang makilala ang kanyang talento sa pag-arte at maging daan upang maipamalas pa ang kanyang mga galing tulad ng pagkanta at pagsayaw.
Ngunit napapabalitang nagtampo diumano itong manager niyang si DMV dahil sa hindi niya pagpapaalam na papasok sa Mara Clara. Hindi na maiiwasan ang pagtatampo ng kanyang manager na si Direk Manny Valera, ngunit mas hindi na mapipigil ang paglabas ng talento ng kanyang alaga kaya instead magtampo ay matuwa nalamang siya para sa bata. ‘Di ba?!
BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Mahulaan n’yo kaya itong BAGETS NA AKTRES na kaya pala walang boyfriend sa kabila ng kanyang magandang mukha, katawan at kasikatan, ay nadiskubre ng aking parazzi girl na isang batikang direktor pala ang dahilan ng pagiging not available niya?! Know why?! Dahil nakatali pala ang actress sa kanya.
Ngunit ang mas nakakaloka rito, hindi sila nagkakaiba, dahil parehas silang girlaloo!
Tamah ‘day! Kaya pala walang boyrfriend eh, may T-birdfriend naman palang direktor eh! Sa’n ka pa? May bonggang work na, sensitive at caring pa. ‘Di ba bagets na aktres?! Palibhasa gaya-gaya puto maya! Ha-ha-ha!
Naku! Kailangan n’yo pa ba ng clue?! Kung ganu’n ay pakisubaybayan na lamang sa aming programa ni Lady Camille sa DWSS 1494 kHz weekdays, 11:30-12 nn upang makigulo at maging una sa mga chikka. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo, 2:30-3:30 p.m. Thank you very much and God Bless us all!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding