BLIND ITEM: Pinayuhan ng isang madir ang isang guwapong newcomer na unti-unti nang nakikilala dahil napasama nga siya sa isang youth-oriented TV show na deadmahin na lang ang mga nang-iintriga sa kanya.
Aware na ang bagets na pinag-uusapan siya ng mga utaw sa paligid niya. As usual, sanay na naman ang bagets na siya ang paboritong pulutan, dahil pinaghihinalaang madalas ang kanyang “gender”.
Alam na raw ng mga kasama nitong bagets sa show na isa itong certified beki. Pero hindi naman halata, in fairness.
Noon pa ay alam na naming “beki’ ang batang ito, pero after hearing his life story ay nabagbag ang aming kalooban, kaya ang ipinayo namin dito’y deadma na lang sa mga naiinsekyur at gawin na lang niya nang tama ang kanyang trabaho.
Kasabay ng pagpayo namin sa kanya na ‘wag na ring “makipagdyowa” sa same sex para hindi na rin manganak pa ang kuwento.
Ang problema, ‘pag sumikat nang bonggang-bongga ang bagets na ‘to. Baka umaatikabong kalkalan ng buhay ang mangyari.
Pero learn and master the art of deadma na lang, bagets. ‘Wag mo nang pansinin ‘yan para you will still look “teen” at basta malinis ang “heart” mo, ‘yan naman ang importante.
KAUSAP NAMIN si Tita Annabelle Rama sa thanksgiving party ng Walang Hanggan (dahil consistent top-rater show ito sa primetime ng ABS-CBN).
Siya ang nagbalita sa amin na nag-retire na si Ma’m Wilma Galvante at papalitan na raw ito ni Mr. Duavit (pero ang alam naman namin, si Ma’m Lilibeth Rasonable na).
Tineks daw niya si Ma’m Wilma. Pero hindi raw niya inaway. Tinanong lang daw niya ito sa text na, “Magre-retire ka na pala?”
“Dong, hindi naman ako marunong makalimot, ‘no? Kahit pa grabe ang away namin ni Wilma, hindi ko pa rin naman nakakalimutan na siya ang nag-convince kay Raymond na pumasok sa showbiz.
“Ayaw talaga ni Raymond, siya lang talaga ang nangulit nang nangulit, ‘Dong, kaya nandiyan ngayon si Raymond. ‘Yun talaga, thank you sa kanya!”
Gano’n naman si Tita Annabelle. Parang give credit where credit is due. Kahit pa kaaway niya ‘yung tao.
MAGKAIBA NG attitude itong sina Paulo Avelino at Coco Martin. Madalas namin silang nakakasama, dahil nga nasa cast din kami ng Walang Hanggan.
Parehong matayog ang kanilang pangarap, kaya naman marubdob ang kanilang pagmamahal sa kanilang craft.
Si Coco ay nag-immerse pa bago gawin ang isang character. Si Paulo naman ay patuloy pa ring gustong matuto, kaya nanghihingi siya ng tip kung paano siyang humusay.
Open-minded din si Paulo sa criticism, at talagang nakatanga ‘yan sa amin ‘pag binibigyan namin ng tip (wow, parang ang husay-husay naman naming umarte, hahahaha!)
Ang pareho sa kanilang dalawa ay ‘yung pangarap nilang makapagpatayo ng sariling bahay sa sariling lote.
At nakakatuwang si Coco ay tinutulungan ang mga kapatid. Si Paulo naman ay nagpapakabuti bilang ama at nag-iipon daw siya para makabili ng sariling bahay.
‘Yung iba nga, nakakalokah! Droga ang inuuna.
Mahirap na lang magsalita. Hahahaha!
Oh My G!
by Ogie Diaz