PROUD FATHER si Piolo Pascual sa anak na binatilyo na si Iñigo. Pinasok na rin kasi ng anak niya ang pag-arte.
Noong una, ayaw ng aktor na pasukin ng binatilyo niya ang magulong mundo ng showbiz, dahil sa mga bagay-bagay na ikinatatakot na baka hindi mai-handle ng anak ang sitwasyon sa showbiz.
Dahil pursigido at gusto ang buhay tulad ng kanyang ama, napapayag na rin si Papa Piolo na umarte sa harap ng kamera ang anak.
“Not the real showbiz,” kuwento niya sa umpukan ng mga press after ng open forum sa press launch ng pelikulang aksyon na OTJ (On The Job) kung saan bagong genre ito sa karir ng aktor na pinasok niya.
Gayong hilig ng anak, pinayagan na niya ito gumawa ng isang indie film kung saan at the same time ay magagamit ni Iñigo sa paga-apply nito ng scholarship sa US university sa interest nito na kumuha ng film next year.
“Kapag naghahanap ka ng sponsor for your scholarship, it’s part of the requirements that you show your previous works in your resume. At least if he gets accepted and gets a scholarship, nakatipid na ako,” sabi ni Papa P. na nakangiti.
Sa OTJ, he plays a good NBI agent na gustong hulihin ang sindikato ng hired killers sa loob ng kulungan na pinu-portray naman Gerald Anderson at Joel Torre.
Nang mabasa ni Piolo ang script, gusto niya ang project kaya hindi nahirapan sina Direk Erik na maghanap ng gaganap ng naturang role na napunta sa kanya.
Sa buong karir niya, ito ang una sa more than almost 20 years niya a showbiz na gumawa ng isang aksyon film.
Sa pelikula, he does action stunts at nakikipagbarilan. Bago pa i-offer ang pelikula sa kanya ng Star Cinema, he does pistol shooting sa Marikina as part of his sports activities aside from the fact na very athletic siya sa pagiging runner niya where he join fun runs and competitions.
Payat nga si Piolo nang makaharap namin. Mas payat kaysa noong ginagawa niya ang OTJ last year based sa tarpaulin ng movie nila.
Mas humpak ang pisngi niya at palagi niyang itinataas ang pantalong suot niya na pakiwari ko’y may kaluwagan.
Sa estado niya ngayon na halos nagawa na niya ang lahat ng roles from heavy drama to romcon (romance comedy); timing lang ang OTJ sa karir niya lalo pa’t matagal na rin palang intensyon ng aktor na gumawa ng iba putahe kaysa sa kadalasan na niya ginagaw sa Star Cinema bilang isang aktor.
Cesar at Sunshine, nagmumukha nang karnabal ang buhay
UMABOT SA marital rape ang nangyari kina Sunshine Cruz at mister niyang si Cesar Montano.
Ito ang kasong isinampa ng aktres sa asawa bukod sa isyung hinihingi niya ng tulong sa korte na maibalik sa kanya ang mga anak niya na hindi na “pinakawalan” ng aktor.
Kawawa ang mga bata sa bangayang ito ng mag-asawa na dapat sana’y inayos na nila out of court settlement.
Nagtataka nga kami na dati-rati’y oks ang deal nilang mag-asawa kahit magkahiwalay na sila para sa kanila mga anak. But this time, iba na ang ihip ng hangin.
The fact na mga menor de edad ang talong mga dalagita nina Sunshine at Cesar, ang korte, papanig pa rin sa ina.
Maging ang abogado ng aktres na si Atty. Bonifacio Alentajan na ninong sa kasal ng dalawa ay nagsabi na kung p’wedeng ayusin ng mag-asawa ang isyu nila sa isa’t isa at mag-out of court settlement na lang.
On the contrary, pinabubulaanan ng kampo ni Cesar na may “marital rape” na naganap noong Mother’s Day ayon sa pag-aakusa ni Sunshine sa inihain niyang pormal na reklamo.
Ito ang mahirap na parte na parehong kilalang personalidad ang nasasangkot, nagpipista na naman ang publiko na nakikiusyoso na para sa mga media na nagko-cover ng istorya, karnabal na naman ang pangyayari sa buhay ng mag-asawa na sa bandang huli, ang mga anak pa rin nila ang mga biktima sa bandang huli.
Reyted K
By RK VillaCorta