Kaya raw astig kumilos at magsalita Angeline Quinto, may bahid ng katomboyan?!

TAGLAY NGANG talaga ng baguhan at sikat na sikat ngayong singer na si Angeline Quinto ang mga katangian ng isang mang-aawit na pang-masa ang karisma kaya naman napakabilis ng kanyang pag-akyat sa katanyagan, dahil napakataas na pala ng kanyang talent fee kapag rumaraket siya. Hindi naman pinanghihinayangan ng mga producers na nagbibigay sa kanya ng raket na show sa malala-yong probinsiya at sa ibang bansa ang ibinabayad sa kanya, dahil talagang sabik ang mga tao sa kanyang istilo ng pagkanta.

Taung-tao rin naman ang istilo ni Angeline sa kanyang pakikiharap sa mga tao, ganu’n din sa kanyang paraan ng pagkukuwento mula sa kahirapan na kanyang pinagmulan nu’ng trying hard pa siyang makaapak kahit man lang pintuan ng showbiz para siya mapansin. Hindi niya ikinahihiya ang kanyang kahirapan, dahil siya raw talaga iyon. Pero pansinin daw ang paraan ng mga pagbibiro ng sikat na sikat nga-yong singer, dahil parang nagpapaikot siya ng kanyang mga kausap. Hindi mo malaman kung seryoso ba siya o hindi sa kanyang mga sinasabi, lalo na pagdating sa kanyang lovelife.

Minsang nasa bakuran kami ng TV5, sa dressing room ay mayroong mga nagkukuwentuhang mga taong hindi pamilyar sa amin ang mga mukha, pero halatang maraming alam na lihim sa showbiz. Nagulat kami sa kanilang tsikahan, dahil nabanggit na kaya raw medyo astig ang pamamaraan ng pagdadala ni Angeline ng kanyang personality, ay dahil astig siya. Ibig sabihin, may bahid ng katomboyan ang kanyang pagka-girlash. Naku, abangan natin kung sa nalalapit na panahon ay may mahahalata pa tayong kakaiba sa kanyang mga kilos na magkukumpirmang ganu’n nga siya.

 

TALAGANG SA umpukan ng mga taga-showbiz ay matunog ngayong pinag-uusapan kung sino kina Tito Dolphy, Nora Aunor at Vilma Santos ang gagawaran ng pagkilala bilang National Artist sa kapanahunan. Mas marami ang pabor na ang Comedy King na ang maparangalan, dahil si Zsa-Zsa Padilla na karelasyon ng pamosong komedyante ay nagsasabing iyon din naman ang wish niya at talagang makapagpapasaya sa daddy ni Vandolph Quizon.

Humahaba ang mga usapan, dahil habang hinihimay-himay ang isyu ay nariyan din ang paghahanap nila ng butas at kapintasan para ilaglag kung sino kina Mang Dolphy, Nora at Vilma ang hindi muna maparangalan. Natatabunan na tuloy ‘yung walang kupas na kontribusyon ng tatlong pangalan na masasabing institusyon na sa movie industry dahil sa naging haba ng panahon ng kasikatan na kanilang itinagal sa showbiz. Ipinagdidiinan ang punto na babaero si Mang Dolphy, nasangkot sa droga si Ate Guy, at betamax queen daw ang Star for All Seasons.

Kababawan! Kung kakalkalin din ang agiw ng mga sikat na artista sa Hollywood, nakagigimbal din naman ang kanilang mga lihim pati na mga eskandalong naitago sa publiko. Dito sa Pilipinas, kung talento ang pag-uusapan, walang kukuwestiyon kina Mang Dolphy, Nora at Vilma. Nasa daloy ng buhay ng isang lalaki kung maging babaero man siya o hindi. Kinilala sa maraming bansa ang kahusayan ni Aunor, at dumaan man siya sa eskandalo ng droga ay napagdusahan na niya iyon patungo sa kanyang pagbabago. Betamax ang uso sa panahon ng kasikatan ni Ate Vi, at konserbatibo pa noon ang showbiz, kaya malaking isyu ang salitang Betamax Queen, pero isang intriga lang naman iyon na laging ibinabalik kapag gustong siraan ang Governor ng Batangas.ChorBA!

by Melchor Bautista


Previous articleKaya raw hiniwalayan ng dyowa Heart Evangelista, laging ipinapahiya si Daniel Matsunaga?!
Next articlePauleen Luna, mailap pa rin sa isyu nila ni Vic Sotto!

No posts to display