KABALIGTARAN NG mga single mom si Karla Estrada na ipinagdadamot ang kanyang mga anak sa ama.
Ayon kay Karla, as much as possible daw ay gusto niya na maging parte ng paglaki ng kanyang mga anak ang ama ng mga ito. Ito raw ang dahilan kung bakit nananatiling close ang panganay na si Daniel Padilla sa ama nitong si Rommel Padilla kahit hindi nila ito nakasama sa bahay.
Lalong ‘di raw niya hinahadlangan ang hangarin ng ama na masustentuhan ang kanilang anak at hindi niya kailangang mag-demand kung magkano ang dapat nilang ibigay sa mga bata.
Sabi pa ni Karla, eversince ay hindi raw niya tinangkang humingi ng tulong sa ama ng kanyang mga anak.
“Siguro ito ang dahilan kung bakit kami sobrang close ng mga anak ko. Alam nila na itinaguyod ko sila kahit anong mangyari. Nagpapasalamat ako kay Daniel na dahil sa kanya ay nakakatikim na kami ngayon ng ginhawa sa buhay. Malapit na nga kaming lumipat ng bahay na ipinagawa niya sa amin.
“God is good talaga,” pahayag ni Karla.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo