SIGURADO RIOT na naman sa katatawanan ang dynamic team nina Chokoleit, Pooh, K Brosas at Pokwang sa concert nilang 4 DA VOTE at Music Museum on April 19, 20, 26 & 27 sa direksiyon ni Andrew de Real.
Masasabing swak sa nalalapit na eleksiyon ang nasabing comedy shows dahil i-spoof ulit ni Pokwang si Annabelle Rama na sasabak sa unang pagkaka-taon sa pulitika. Si Pooh, for the first time, mag-aala senatoriable candidate na si Cynthia Villar. K Brosas, gagayahin ang re-electionist na si Loren Legarda, at si Chokoleit, i-spoof naman niya si reelectionist Sen. Koko Pimentel.
Kahit nagdudulot sila ng ligaya’t katatawanan sa publiko, may sarili rin silang mga drama sa buhay na hindi nila malilimutan. ‘Yung pagkamatay ng nanay ni Chokoleit: “After that, masasabi kong napagtibay ako ng panahon. Kahit papaano napanindigan ko, nakita niya, naging maayos tayo,” say nito.
Pokwang, isang dosena si-lang magkakapatid kaya maaga itong nagtrabaho sa Japan. Namatayan ng anak, ilang taong pagluluksa bago ito naka-move-on.
Say ni K Brosas na mala-MMK, “Bagyong Ondoy… pa-ngalawa, ‘yung manganak ako sa Baguio. Buntis ako kumakanta hanggang seven months. Umiiyak habang kumakanta, ganu’ng drama. Tatay ng anak ko, may kasamang iba. Na-nganak akong mag-isa, I’m so broke. One month pa lang ako, kapapanganak, kumakanta na uli ako sa sing-along and the rest is history. Sa ngayon, may communication sila ng tatay ng anak ko. Nagta-try siya, hindi sa akin para sa anak ko.”
Tsika naman ni Pooh,”Alam naman ng lahat na hindi ko kilala ang Tatay ko. Siguro kung may tatay ako ngayon, inisip ko lang, nandito ba ako? Diretso ba ako Maraming salamat na rin na wala siya dahil nakasanayan ko na rin.”
Sa nasabing comedy show, hindi naman kaya ma-offend itong mga politician ipo-portray nilang? “Bago namin gagawin ang isang bagay, alam naman kung ano ang puwedeng sabihin at hindi. Mas malawak, live entertainment, hindi naman siya telecast. Marami ring mga bagay na iingatan, hindi naman below the belt na parang sarcastic ang dating.”
Marami ang nagsasabi nagkahangin na ang utak ni Chokoleit kaya ito wala ngayong project sa Kapamilya network. “The last time is ‘Aryana’. Nandito na ako sa point na naniniwala… na wala na ako sa stage na hindi para sa akin ‘yung project. Gusto ko na rin ‘yung character na kakaiba na hindi puro sidekick.”
Hanggang ngayon, sinasabing may attitude problem si Chokoleit kaya hindi agad ito nabibigyan ng project. “Hindi naman ako naniniwala du’n. I deliver what they expected. Na binitin ang trabaho? Lahat naman ng tao may kaunting ano, sobra lang akong naging totoo. Nakikita nila, hindi ako ma-runong magpigil, ‘yung ganu’n. Hindi nga ako nag-iingat sa mga sinasabi ko, naging totoo lang naman ako,” diretsong sabi ng comedian.
Sa sobrang pagiging taklesa ni Chokoleit kung minsan, nakakasakit na siya ng kapwa niya na hindi sinasadya. “I would say, kumbaga, nakaka-limutan ko na hindi lahat ng tao… nami-misinterprent, malamang doon. Hindi rin maganda na masyado kang totoo. Sometimes you have to teach yourself how to behave. Timing, kung kailan ka aarya, siguro du’n lang ako nagkakamali,” paliwanag niya.
Inamin ni Chokoleit, miss na niyang gumawa ng movie. Na-experience na niyang makatrabaho ang ilang magagaling na director tulad nina Wenn Deramas, Joel Lamangan, Jose Javier Reyes at Maryo de los Reyes. “Ngayon, gustung-gusto kong ma-experience makatrabaho si Direk Cathy Garcia-Molina, naiintindihan ko siya. Hindi pilit, natural ‘yung pelikula niya. Inaamin kong fan ako ni Direk Cathy, hindi lang ‘yung John Lloyd-Sarah G movies, lahat pinanood ko, walang pretensiyon. Napapakilig niya ang audience na hindi pinilit, bawat eksena hindi nasayang.”
Nag-krus na pala ng landas sina Chokoleit at Direk Cathy at sinabi niya rito, “Direk Cathy, pa-experience naman makatrabaho ka.” Masayang ngiti ang naging sagot ng box-office director sa magaling na comedian. ‘Yun na.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield