UNTIL NOW, wala pang pag-amin na nagmumula kina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati tungkol sa kanilang special friendship na nabuo sa set ng kanilang teleseryeng Makapi-ling Kang Muli, kung saan laging sobrang sweet daw ang mga ito, kaya marami ang naghihinalang meron nang relasyong namamagitan sa dalawa.
Pareho rin daw tanggap na ng kanya-kanyang pamilya ang mga ito, especially si Richard na sobrang close at maraming bagay na pareho sila ng daddy ni Sarah. Kaya naman daw aprubado sa daddy ni Sarah si Richard at ganu’n din naman si Sarah na malapit na rin sa pamilya Gutierrez.
Everytime nga na nai-interview ang mga ito, puro magagandang salita at papuri ang namumutawi sa mga labi nilang dalawa at kitang-kita ang glow sa mga mata at may ngiti sa kani-kanilang labi at ganadong-ganadong magkuwento ng tungkol sa kanilang magandang samahan.
Anu’t anuman, malalaman din ng publiko ang real score sa kanilang dalawa. Lalo na’t lagi silang napagkikitang magkasama sa maraming okasyon na sweet na sweet sa isa’t isa at deadma lang sa mga taong nakapapansin sa kanilang dalawa.
ISA SA aabangan sa stage play na Bona na pinagbibidahan nina Eugene Domingo and Edgar Allan Guzman ay ang ilang beses na halikan ng mga ito na labis na ikinakilig ng mga nakapanood nito na ipinalalabas sa PETA ngayon.
At kahit nga maraming kissing scenes dito sina Eugene at Edgar, bentahe pa rin ng Bona ang galing sa pagpapatawa ni Eugene na talaga namang everytime na magde-deliver ng kanyang lines ay talaga namang hahagalpak ka sa tawa.
Hindi rin naman nagpahuli sa galing sa pag-arte si Edgar Allan na hindi nagpatalbog kay Eugene. Isa pang aabangan kay Edgar sa Bona ay ang magandang hubog ng katawan nito na kung ilang beses na nasilayan ng mga mano-
nood habang naka-boxer shorts lang ito.
Umagaw rin ng atensyon sa aming mga nakapanood ang galing ni Joey Paras na katulad ni Eugene at Edgar ay lutang na lutang ang galing sa komedya. Habang ang iba pang kasama sa casts ay hindi rin matatawaran ang galing sa pagpapatawa.
DUMATING NOONG Aug. 14 sa bansa ang Japanese actor/ producer na si Jacky Woo at tinapos ang shooting ng Death March, kasama ang marami nating artista. Ibinubuhos niya ang panahon sa shooting na ito habang nasa bansa gaya ng ipina-ngako niya kay Direk Adolf Alix, Jr. na abalang-abala rin sa shooting.
Pero bago pala bumalik ng Pilipinas ang mabait at very generous actor/ producer, nagkaroon pala ito ng Jacky Woo Film Festival sa Shinjuku district ng Tokyo, Japan na dinumog ng maraming Hapon at Filipino na naka-base sa Japan. Walang Hanggang Paalam, Liberacion at Haruo ang ipinalabas sa nasabing festival.
Tuwang-tuwa naman ang mabait na actor/ producer sa nakita niyang mga kababayan niya at mga Pinoy na malapit sa puso niya na dumagsa at pinanood ang mga pelikula niya. At ang lahat ay magagandang komento ang sinasabi nang mapanood ang kanyang mga pelikula.
NAGPAPASALAMAT ANG isa sa ma-ningning na young actor sa bakuran ng GMA-7 at regular na napapanood sa Party Pilipinas at Luna Blanca na si Kristoffer Martin sa mataas na rating na nakukuha ng kanilang show nina Barbie Forteza, Derrick Monasterio, Bea Binene, atbp.
Tsika ni Kristoffer, hindi niya inakalang magki-click sa mga manonood ang tambalan nila nina Barbie at Bea, dahil nasanay nga ang mga manonood na laging kasama nito si Joyce Ching na mula nang lumipat ito sa GMA-7 mula sa ABS-CBN ay ito na ang nakatambal niya nang umalis si Kathryn Bernardo sa Siyete.
Kuwento nito na sana nga raw ay mag-extend pa sila sa Luna Blanca, kaya lang ay hindi na raw puwede dahil may bagong show na si Bea Binene, kung saan ang katambal nito ay ang kanyang original ka-loveteam na si Jake Vargas plus Hiro Magalona. Samantalang may ibang show naman itong gagawin sa GMA-7.
Wish daw ni Kristoffer na makatambal din ang iba pang leading ladies ng GMA-7 like Kris Bernal, Marian Rivera, Carla Abellana, Jennylyn Mercado, Maxene Magalona, Sarah Lahbati, Jackie Rice, Kylie Padilla, at iba pa.
John’s Point
by John Fontanilla