KAYE ABAD is getting raves reviews for her kontrabida role on Annaliza. Who would ever think that a nice lady like Kaye would convincingly portray a cunning character like Stella? Sanay tayong napapanood si Kaye na gumaganap ng mga sweet roles kaya naman medyo nakakapanibago siya bilang si Stella. Many praise Kaye for realistically playing a villainess kaya naman siya na ngayon ang tinaguriang bagong kontrabida ng bayan.
In Annaliza, Kaye plays a very complicated role as Stella. Siya ang taong nagpakidnap kay Annaliza (Andrea Brilliantes) na anak ng kanyang ex-boyfriend na si Lazaro (Patrick Garcia), siya ang asawa ni Guido (Zanjoe Marudo), at love interest ni Makoy (Carlo Aquino).
Tinanong ko siya during her interview on Bandila kung paano ba maging isang kontrabida. Kailangan ba ng malakas na boses o maging pisikal para maging epektibo? Or can you be dangerously quiet? Kaye said that it depends on the character. Bilang Stella ay naroroon sa kanyang role ang mga katangian ng isang kontrabida – maingay, nananakit, at nanlilisik ang mga mata. Dagdag pa niya na may ‘art’ daw ang pagsampal. Kailangang sumabay sa direksyon ng kamay ang mukha ng taong sasampalin para hindi ito masaktan. Hindi rin daw dapat tumama ang kamay sa jaw at tenga para hindi masaktan.
Mas nahihirapan daw siyang apihin si Andrea Brilliantes kaysa kay Denise Laurel dahil ito ay bata. “Mahirap manakit ng bata,” sabi niya.
Muli niya itong binanggit in one of her recent interviews. Ayon sa artikulo ni Kristhoff Cagape sa push.abs-cbn.com ay sinabi ni Kaye na “Ang hirap ‘pag bata iyong sinasaktan mo kasi alam mong walang kalaban-laban, iiyak lang, luluhod lang sa harap mo. Ganoon lang siya. May isang eksena nga after ko siyang saktan umiyak talaga ako. Ang hirap.”
She also has good words about the child star. “Masarap katrabaho [si Andrea]. Kung ano si Annaliza, iyon siya eh, jolly, madaling katrabaho at nakikita ko sa kanya, willing to learn tapos ‘pag may instruction, sinusunod niya kung ano’ng gagawin.”
“Mas natural na sa kanya iyong character niya, kumbaga alam na niya iyong character niya. Dati kasi medyo nangangapa pa siya. Dati nire-remind pa siya na ‘you have to be jolly, ganito, ganyan.’ Ngayon alam na niya, mas natural na sa kanya ang katauhan ni Annaliza,” dagdag pa niya.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda