MAHIRAP NA malayo sa inyong mga minamahal para lamang makapagtrabaho at masuportahan sila sa kanilang pangangailangan… Ramdam mo ang bigat nito sa mga pagkakataong hindi ka maka-uwi sa mga mahahalagang okasyon tulad ng birthday, graduation o Pasko.
Anu-ano ang mga nakagawian ninyong paraan upang makalimutan ang lungkot at pangungulila sa kanila? Ramdam pa ba ninyo ang pagiging malapit sa bawat miyembro ng pamilya kahit hindi kayo ay malayo?
Itong pangungulilang ito (sana) ang maging “incentive” ninyo para:
• Lalong pag-igihin ang trabaho upang makakuha ng bonus o promotion
• Masimulan ang komunikasyon ninyong pamilya tungkol sa planong maka-uwi at makasama sila sa buhay
• Magkaroon ng pagkakataon upang seryosong mapag-usapan ang pagtitipid na kailangan ng lahat para maka-ipon ng sapat sa pondo at makabalik na for good.
Marami akong nakaka-usap na kababayan nating malayo sa pamilya ang nagsasabing… “Sanay na po kami sa trabaho at buhay dito sa abroad, mahirap na po mag-adjust sa buhay pamilya tuwing umuuwi…”
Ito ang isa sa pinakamalungkot na maaaring marinig mula sa kapwa OFW – na mas pipiliin nila ang buhay nila ngayon na hindi kasama ang pamilya , kaysa sa buhay na buo sila.
Ano ang nangyari? At paano ito maiiwasan?
Magsimula tayo sa kakulangan ng malinaw na usapan ng pamilya bago nangibang-bansa ang isa sa kanila. If the goal is not clear – bakit ba kailangan mag-ipon at malayo, then it is going to be a great challenge to have the entire family open to the plan of the OFW to come home…
Pero Coach P, may malinaw naman kaming plano, bakit ganon pa din? – Sa plano ba ninyo ay napag-usapan ang petsa at eksaktong taon kung kailan balak pauwiin ang nahiwalay?
Let this be the time for you to have a heart to heart talk with your family. Ang akala nating sakripisyo para sa kanila, hindi natin alam, ay hindi parating nakabubuti sa kanilang basic maturity. Ipagtapat sa kanila ang hirap ng buhay, kung ano ang hirap na nadaranasan ninyo (hindi lamang ang lungkot ng pangungulila niyo).
If they know the sacrifices that you have to endure for the family, then they will take every peso you send back – very seriously… they will not ask for what is unnecessary. And in doing so, they will also grow and mature. Matututo silang magkaraoon ng simpatya at maging mulat sa tunay na situwasyon ninyo sa pagtira at pagtrabaho sa ibang bansa.
You might be tempted to think: “Naku ang mahal ng babayaran ko kapag mahaba ang pag-uusap namin sa telelpono!” Pero malaki ang maitutulong sa inyo ng GLOBE DUO UK! No need to rush calls to the Philippines!
Patibayin ang inyong parenting from afar by keeping in touch with your loved ones without worrying about long distance costs. For only £17 for 30days, enjoy a “local” calling experience which is cheaper than standard IDD call rates to the Philippines. Register on: duouk.globe.com.ph/
Ngayon maari na kayong makipag-kwentuhan sa inyong mga mahal sa buhay ng mas matagal at mas madalas. Show your support through frequent and meaningful communication para kahit minsan ay kulang ang abot ninyong pera, hinding-hindi ka magkukulang sa pagmamahal para sa kanila.
Nais naming patuloy kayong tulungan! Anu-ano pa ang mga gusto ninyong matutunan mula sa amin?
I-like si Coach Pia Acevedo sa Facebook at maaari niyo kaming i-message para humingi ng gabay sa pagpapabuti ng buhay.
Si Coach Pia Acevedo ay isang kilalang Performance Management Expert, Life Coach at manunulat ng sikat na librong Born To Be A Hero. Siya rin ay CEO ng The OneCORE- isang organisasyong nakatuon sa pagtulong sa mga tao kung paano gumawa ng mainam na desisyon sa buhay.
Pinoy Ekspert
by Coach Pia