BLIND ITEM: Nakalulungkot naman kung hanggang ngayon ay dinededma pa rin ng kaygandang TV host ang kanyang amang may sakit.
At ang nakakalokah pa, nasa iisang bahay lang sila, huh!
Hindi namin alam kung ano ang pinagdaanan nang bongga ng TV host kasama ang ina at mga anak para hayaan nilang magdusa sa kanyang sakit na Parkinson’s disease ang ama ng kanilang tahanan.
Ayaw naman naming husgahan agad-agad ang TV host. Baka nga naging malupit sa kanila si Fadir kaya parang ibang tao ang trato nila rito sa bahay.
Nauna rito, just recently, ay itinakbo ng ama ang sarili sa ospital at ito ang nagmaneho.
Habang nasa ER, tinawagan ng doktor ang nanay ng TV host. Pero ang masaklap, ibinigay lang nito ang number ng hipag at doon na lang daw makipag-coordinate.
Kaya hanggang ngayon, puzzled kami kung ano ang napakalaking kasalanan ng ama sa kanyang mag-iina kumbakit ganon na lang ang trato nila rito.
Sana nga, magkaayos na at patawarin na nila si Ama, lalo na sa panahon ngayon na an’dami ng sakit ni Ama at kailangan ng kalinga.
Just wondering, apelyido lang ba ng ama ang literal na pinakinabangan ng mag-iina?
TAMA ANG payo ni Sen. Miriam Santiago kay Sen. Chiz Escudero. Na lumapit ito sa mga magulang at mag-sorry.
Pero ano bang kasalanan ni Chiz sa parents para humingi ito ng sorry?
Meron ba?
Me paratang ang parents ni Heart na aakyat sa kanilang bahay na nakainom o lasing si Chiz at nakabukaka pang parang siga.
Parang nababastusan ang parents at ang isa pang isyu ay hindi pa totally annuled si Chiz sa first marriage.
Ang isinagot lang dito ni Chiz ay hindi totoo ang mga paratang.
At humuhugot pa ng simpatiya si Chiz sa publiko na para sa amin (opinyon lang naman ito), more than ever, hindi simpatiya kundi solusyon sa problema ang dapat na iniisip ni Chiz.
Lalo pa’t kilala siyang matalinong tao at iniluklok pa ng bayan bilang senador, alam niya kung ano ang dapat gawin. Lalo na at isa rin siyang parent.
Oo, si Heart ay nasa wastong gulang na at kaya nang magpasya para sa sarili, but that doesn’t stop Ongpaucos to be forever parents to Heart.
Hindi pa naman huli ang lahat para i-convince ni Chiz ang parents ni Heart na sincere siya sa pag-ibig niya rito.
At kung sakaling totoo ang paratang ng magulang ni Heart eh, ‘di humingi siya ng sorry at mangakong hindi na tutuntong sa bahay nila nang nakainom at nakabukaka.
O baka he felt insulted dahil senador pero walang bearing ito sa mga Ongpauco.
Noon pa nadadapa si Heart sa pag-ibig, dahil alam ng magulang na lagi na ay all mine to give si Heart sa lalaki to a point na ito na talaga ang madalas na gumagastos.
After all, ‘pag nabigo na naman si Heart sa kanyang pag-ibig, kanino ba siya iiyak at yayakap?
BAKIT DAW kumampi kami sa parents ni Heart samantalang dati, kinalaban namin si Mommy Divine?
Malaki ang pagkakaiba ng dalawang partido, pero iisa lang ang bottomline ng pakikipaglaban ng parents sa kanilang mga anak: ang unconditional love nila sa anak nila.
Nagkataon lang siguro na me mga “inside stories” kaming nalalaman na sa kampo mismo ni Sarah galing at ‘yung mga friends namin na me mga “personal encounters” kay Chiz.
Kaya sa mga bashers namin sa Twitter, hindi talaga tayo magkakakaintindihan kaya magrespetuhan na lang tayo ng opinyon.
Oh My G!
by Ogie Diaz