INAMIN NI KC Concepcion kung sakaling magka-boyfriend siya, mas gugustuhin niyang taga-showbiz ang makarelasyon, pareho ang mundong kanilang ginagalawan at madaling makapag-adjust ang bawat isa. Say nga ni KC, “Maganda ‘yung nagtatrabaho ka tapos in love ka, magkasama pa kayo sa trabaho! Ang tinutukoy kaya niya ngayon ay si Piolo Pascual na leading man niya sa Koreanovelang Lovers in Paris.
Kamakailan lang nakitang magkasama sina KC at Piolo sa Shangri-La Edsa around 11pm na super sa pagka-sweet habang papasok sa lobby ng hotel. Wala silang pakialam sa mga taong nasa paligid na pinagmamasdan ang bawat kilos nila. Masaya silang nagkukuwentuhan sa lobby ng Music Lounge, halata mo nga raw na may MU (mutual understanding) na ang dalawa. Libre nga naman silang ipakita ang totoong nararamdaman nila sa isa’t isa dahil wala sila sa harap ng camera, chicka ng aming kaibigang director na kararating lang for one month vacation sa U.S. Saksi siya sa matamis na pagtitinginan nina KC at PJ nang gabing ‘yun. “Tingin namin, mag-dyowa na sina KC at Piolo! Banggit sa amin. Hindi nagtagal, nagdatingan isa-isa ang pop icons na sina Christian Bautista, Mark Bautista, Eric Santos at Sam Milby na nag-join sa table nina KC at Piolo.
Ayon kay KC, pagdating sa lalaking mahal niya, gusto niyang i-share lahat. Sobra siyang open sa mga bagay-bagay, very touchy feeling. Mahilig sa human contact and everything kasi ang dalagang anak ni Sharon Cuneta. Hindi maitatago ni KC kung in love na nga siya, very transparent ang kanyang mga mata, hindi na kailangang aminin pa.
As much as possible, mas gugustuhin ni KC silang dalawa lang ang nagkakaintindihan, hindi rin maiiwasan ang intriga. “Sana hindi masira ‘yung relationship ko sa buhay dahil doon. Kasi, ilang beses na rin akong nag-confront ng kaibigan. Ang hirap ng maraming intriga, hindi mo alam kung totoo ‘yun o hindi, you have to trust talaga! Ang hirap lang sa showbiz, personal life mo hinahatak na nila.”
Itong team-up ni KC with Piolo, how does it feel ? “Marami akong magagandang naririnig tungkol sa kanya. “Yung pagiging maalaga niya sa kanyang leading lady. Hindi pa kami gaanong magkakilala ni PJ, thank you sa magagandang sinasabi niya tungkol sa akin sa mga interview.”
Alam natin kung ano ang feeling ni PJ sa dalaga kahit noon pa man. This time, mag-tuloy-tuloy na kaya ang maganda nilang pagtitinginan. “Siyempre right now, hindi pa ako komportableng magsalita. Nagkikita pa lang kami, ilang years din naman ‘yung gap namin. Hindi kami magka-edad kung tutuusin. I think nga 5 years, pero not like Richard (Gutierrez), one year lang talaga.
“Hindi ko pa rin alam ang feeling na ganu’n, kasi magkaibang-magkaiba sila ni Chard talaga. Sa tingin ko mas kalog pa nga si Piolo kaysa kay Chard. Ang sa kanya lang siguro, mas may kaunting wisdom at experience si PJ. Si Piolo lalaking-lalaki kung sumagot, hindi niya hahayaan ‘yung babae ang sumagot. Gustong-gusto niyang siya ‘yung nagte-take ng lead.
That’s what I like about him, he knows how to take the lead naman. Hindi ko napi-feel na kailangan kong mag-alala kung ano ‘yung sasabihin ko kasi, pareho ‘yung nasasagot namin.”
“Kasi, 18 ako noon, few years ago lang ‘yun pero still college pa lang ako, kakaumpisa ko palang ng college. Actually, high school pa lang ako noong nag-uusap kami. So, ngayon katatapos ko pa lang ng college baka may mag-iba, baka may mga things na mas mapag-uusapan namin ngayon. Kasi, nag-grow na rin ang utak ko, hindi ko alam. Wala akong expectation although naninibago pa lang ako. Kasi, not like Chard na kilalang-kilala ko na, not PJ. Bilang tao, si PJ mas guarded na hindi naman masama, mas careful siya. Hindi lang bilang tao, mas tahimik, mas tinitimpla niya ‘yung sitwasyon.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield