Julie Ka!
by Julie Bonifacio
PERFECT PARA KAY KC Concepcion ang remake ng highest rating Koreanovela noon na Lovers in Paris bilang kauna-unahan niyang teleserye sa ABS-CBN. Ang Pinoy raw kasi melodramatic at mahirap maging aktres dito sa Pilipinas. E, ‘yung character na gagampanan niya sa Lovers in Paris na si Vivian, kahit umiiyak na siya, natatawa pa rin.
May kaibigan nga raw siya na kapwa niya UN Ambassdor from Korea na isa sa mga lead star ng Koreanovela na All About Eve at ibinalita niya rito na gagawin niya ang Lovers in Paris. Pero hindi ito ‘yung Korean na pilit inili-link kay KC na bago niyang boyfriend.
“E, dyusko meron na ngang lumalabas, ‘KC may dini-date na Korean-American,’ ganyan-ganyan. Sabi ko, sino naman ‘yun? High school meron akong kilalang Korean-American. Pero bigla namang nabuhay. Nagulat ako. Ano ba ito,” pagtataka ni KC.
Kaklase raw ‘yun ni KC nu’ng high school. Sobrang gawa-gawa raw lahat ‘yung kuwento about the guy, gaya kung saan ipinanganak, saan nag-aral at pati raw ‘yung kapatid.
“Sabi ko, ‘Wow! First time nangyari sa akin ‘to. Meron akong Korean-American nu’ng high school kaya meron din ako’ng alam sa Korean culture. Pero hindi, wala po’ng nangyari roon. Actually, natawa rin ako, kasi ilusyon. In fairness, marami ako’ng nakilalang Korean-American.”
Nasa Paris na ngayon si KC kasama si Piolo Pascual shooting Lovers in Paris. Bago siya umalis a day before, pumirma muna siya ng exclusive contract with ABS-CBBN/ Star Cinema Productions.
Sa contract signing, kinuha namin ang reaksiyon ni KC sa sinabi ni Piolo na gusto sanang makipag-close sa kanya noon ng actor pero nagulat na lang siya nu’ng malaman na nasa Paris na ang anak ni Megastar Sharon Cuneta.
“Ay, hindi ko naman siya kailangang sabihan kung saan ako pupunta,” sabi ni KC. “Ano siya, e, parang sa akin, I mean, ‘yun na nga parang ang dami-dami niyang fans. Ang daming nagmamahal sa kanya para ligawan ka rin ng isang taong may ganung milyung-milyong tao na humahanga, siyempre as a girl parang it’s flattering. Parang mapapa-thank you ka na lang sa kanya. Pero ang hirap ng ganu’n, e.”
Magkakasama sila ni Piolo sa Paris ng tatlong lingo, what if ‘i-pursue’ du’n ng actor ang naudlot niyang intensiyon kay KC?
“Baka hindi maging natural ‘yung pagiging magkaibigan namin kasi alam ko nang may intensiyon. Kasi he believes in that, e, na kailangan ang lalaki from the start alam na, klaro na sa babae ang intension niya. E, ‘yung sa akin parang paano kayo magiging magkaibigan kung alam ko na ang intensiyon mo.”
Pero hindi naman daw nangangahulugan na taboo na si Piolo sa kanya. Kahit mas matanda naman si Piolo sa kanya, hindi big deal ‘yun kay KC. Inamin ni KC she dated before a guy older than her. Ang importante maganda raw ang ugali.
TULOY PA RIN pala ang binabalak ni Gary Valenciano na cruise with his wife Angeli Pangilinan. Gift daw ito ni Gary for Angeli for their 25th wedding anniversary. Desidido siya na ituloy ito within the year with or without their three children na sina Paolo, Gabriel at Kianna.
Ang marriage nina Gary at Angeli ang isa sa pinakamatatag na couple sa showbiz. Pero inamin ni Gary sa presscon para sa TV airing ng successful anniversary concert niya sa Araneta Coliseum kamakailan, ang Gary V Live at 25 sa ABS-CBN on March 15 (Sunday), na umabot din sila ni Angeli sa puntong muntik silang magkahiwalay.
“We went through counseling. We open up with each other. We said sorry to each other for whatever mistakes because you know, if a guy does something and a girl does something, many times it’s not because the guy just simply wants to do it, think it, or say it.
“Actually, that’s a major season in our life so, we came to understand that the road ahead, it may not all be smooth sailing. But now we know. And so far, it’s been like that.”
Anyway, labas na rin ang Star Records Presents OPM Number 1st album kung saan kasama sa compilation ang awitin ni Gary at theme song ng teleseryeng Tayong Dalawa.