OLA CHIKKA! NOONG Linggo ng hapon ay nanonood ako ng The Buzz. Ngunit habang tumatagal, naasar lamang ako at inilipat ang channel sa kabilang istasyon. Hindi ako natuwa sa paraan ng pagho-host nitong baguhan sa show na si Toni Gonzaga, lalo na si KC Concepcion.
Kitang-kita mo kay KC na hindi talaga siya nagpapatalo na makikita mo ay nagpapabida talaga siya ‘pag magkakatabi na silang mga main hosts. Palaging may sinasabi na akala mo alam ang lahat ng bagay. Hindi lamang iyon, dahil maging sa mga guests nila ay sinasapawan din niya. Alam mo, ‘yun? Makikita mong ibibida niya pa rin ang sarili niya kahit hindi naman niya moment.
Noong nakaraang Linggo ko pa napapansin ang pambabara niya sa mga ini-interview niya, at nitong Linggo lamang nu’ng guest nila ang isang beauty queen, hindi talaga siya nagpatalo maging sa pagmomodelo na hindi naman bagay sa kanya ay rumampa pa rin siya. Napaka-unprofessional ng dating sa akin ng pagho-host niya.
ISA PANG KINAIINISAN ko ang pagiging bias nitong si Toni Gonzaga. Magaling sana siya sa pagho-host, nakakaaliw, nakakatuwa at nadadala niya talaga. Ngunit ang pagkakamali lamang niya ay hindi siya aware. Sa segment niya noong Linggo pagkatapos na pagkatapos ma-interview si Luis Manzano ay hindi niya alam na naka-on-air pa rin ang mic niya at narinig ng manonood na sinabi niyang hindi niya hinirapan ang mga tanong at favorable lahat kay Luis.
Bilang mamamahayag, dapat ay patas ka, maging kaibigan mo pa o kapamilya mo, gawin mong mabuti ang trabaho mo. At hindi talaga tama ang nangyaring iyon dahil kung sa mga simpleng manonood ay wala lang ‘yun, para sa mga katulad kong intelligent viewer at kasama niya sa industriya, napaka-unprofesional din niyon.
Kaya nga hindi tama na ang mga artistang sumasalang sa mga ginagawang pelikula ay isalang sa pagho-host dahil hindi madaling trabaho ito. Dapat ay handa sila at talagang may credibility. Papaano na lamang kung mga stars from 80’s or mga legend na talaga sa industriya at bigating tao ang kanilang makakapanayam? Anong gagawin nila, puro pagpapa-cute na lamang ba? O pagkakaibigan ang paiiralin?
Naku, huh!
NAKATANGGAP AKO NG napakaraming text messages, e-mails at tawag mula sa mga taga-Davao na hindi raw talaga nila papanoorin ang pelikulang Hating Kapatid na pinangungunahan nila Judy Ann Santos at Sarah Geronimo dahil dito kay Vice Ganda.
Unfair naman iyon para sa ibang kasama sa pelikula. Dahil lamang sa isang artista, madadamay na lahat. Kunsabagay ay wala na tayong magagawa kung ganu’n talaga kalaki ang sama ng loob ng mga mga taga-Davao kay Vice at malamang ay lalong umiinit ang dugo nila kapag maririnig ang pagpaparanggal ng gay community kay Vice bilang newest gay icon. Hmmmm… Mga taga-Davao, ano kayang say n’yo?! Ha-ha!
BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong actress-politician na kaya raw natalo noong eleksiyon ay dahil daw sa kanyang pagiging sugalera?!
Ang chikka kasi sa akin ay walang ginawa ito kundi ang magsugal at ipaubaya sa mga staff ang pangangampanya kaya nagmumukha tuloy mabait at masipag itong si actress-politician. May pag-asa sana siyang manalo ngunit sadyang malakas ang kanyang kalaban.
Kailangan n’yo pa ba ng clue? Kapag ibinigay ko pa ang posisyong tinakbo niya, malamang gets na gets n’yo na. Kaya… ‘wag na! Ha-ha! ‘Yun na!
At nais ko po kayong imbitahang makinig sa aking programa sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 A.M. to 12:NN. Makigulo sa amin kasama ang aking mga anak na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30 to 3:30 P.M. Thank you very much and God Bless us all!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding