BALIK-PILIPINAS NA si KC Concepcion matapos ang very successful show nila ng kanyang inang si Megastar Sharon Cuneta sa United States. Refreshed ang beauty ng dalaga marahil na rin ito sa magandang bonding nila ng kanyang mommy at kaunting bakasyon away from her hectic sched dito.
Pero ano ito, heard naming away munang mag-seryoso ni KC pagdating sa kanyang lovelife. Imagine, kahit boto ang inang si Megastar Sharon Cuneta sa kasalukuyang manliligaw niya na si Pierre Emmanuel Plassart ay ayaw raw muna niyang i-push ang seryosong usapan sa pag-ibig.
In an interview lately with ABS-CBN, say nito, “I’ve decided na rin na na ayoko munang i-push through, kasi hindi pa ako ganoon ka-ready. Pero ang sweet niya, ang bait niya, sobrang lambing, nasa kanya naman ‘yung mga hinihingi ko, pero it’s just that ayoko muna maging serious talaga.
“I’m very open to getting to know people. Ayoko pa pong maging seryoso talaga, at very honest po ako sa kahit na sinong ma-date ko o makilala ko, that I don’t want to be so serious yet. Totoo po ‘yon.
“Kung meant naman po, meant. Kahit ano naman pong pagpa-plano natin, at the end of it, ‘pag maramdaman mo na… siguro hindi ko pa nararamdaman.”
Sana hindi nadala si KC sa last relationship nito kay Piolo Pascual kung saan siya nag-cry me a river. Pak!
NAGPAALAM NA ang co-host ni Willie Revillame na si Camille Villar, eksaktong isang linggo simula nang umere ang bagong noontime show ng TV5 na Wowowillie. Last February 9, bago magsimula ang jackpot round sa Willie Of Fortune segment nang show, naging emosyonal si Camille nang sabihin ni Willie na magsabi ka na sa kanila.
Patawa-tawa pa si Camille noong una, nang nagsabi siyang pansamantala niyang iiwan ang pagho-host sa show dahil mag-aaral na ito ng kanyang master’s degree sa Spain.
“Babalik naman ako,” ang sabi pa nito na nagsimula nang lumuha. “Tsaka thank you sa lahat sa inyo.”
Ikinuwento naman ni Willie na personal siyang kinausap ng daddy ni Camille na si Senator Manny Villar tungkol sa balak nila para sa anak. “You have to thank your dad. Kasi ‘yung daddy po niya na si Senator Manny Villar, one Sunday tinawagan po ako. Nag-usap kami, sa mall, kaming dalawa lang, sa Wil Tower Mall, kanila rin po ‘yun ‘no. Sabi niya, gusto kitang makausap tungkol kay Camille. Alam mo Willie, pangarap ko sa anak ko, makapag-masteral siya, siya na lang hindi pa nakapag-masteral ‘no, ‘yung dalawa (kapatid ni Camille), ay nakapag-aral na sa abroad.”
Ang dalawang kapatid ni Camille ay nakapagtapos ng kanilang master’s degree sa University of Pennsylvania, sa Philadelphia.
Dagdag pa ni Willie, “So ganu’n ho. You are so lucky to have a family, like your mom and your dad, kasi ang iniisip nila, ikaw. So, nakapagtapos ka na sa Ateneo, now magma-masteral ka. Siyempre ‘yung business po nila, realty, eh. So kayo ang tagapagmana, sayang naman ‘yung pinaghirapan ng pamilya n’yo. Kaya, you’re so lucky dahil hindi lahat ay binibigyan ng pagkakataon ng ganyan na makapag-aral sa ibang bansa. At nagma-masteral pa.
“’Yung iba nga nagangarap makapag-grade one lang, hindi pa makapag-aral. And you have to thank your mom and your dad.”
Sabi naman ni Camille, “Actually, ihahatid ako ng dad ko, so ang dad ko ang Valentine’s date ko at du’n na lang ako magti-thank you sa kanya. Pero kasi, umalis na ‘ata ‘yung mom ko kasi busy siya (nasa studio si Cynthia Villar noong mga unang bahagi ng show), hindi ko siya na-thank. Kasi kung hindi siguro dahil sa kanya, hindi ako natanggap sa masters ko. Kasi, all my life siya ‘yung nagpu-push sa akin.
“’Pag hindi ko kaya, siya ‘yung nagsasabing kaya mo ‘yan, pati ‘yung pagho-host dito, wala naman akong experience mag-host. Pero ‘yung mom ko ‘yung nag-encourage sa akin, and sinamahan niya ako sa States, lahat. So sana maka-graduate ako and sana maging proud sila sa akin. Thank you, I wouldn’t be here if I don’t have a mom like her.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato