Isang Filipina actress ang ating nakapanayam. Isa siyang singer, VJ, model, stage actress, at kuwidaw, hah, isa pang siyang appointed Ambassador against hunger ng United Nations World Food Programme (WFP). At graduate lang naman siya ng kursong International Corporate Communications with minor in Theater Arts sa University of America sa Paris lang naman. Add ninyo pa sa list of achievements niya ang pagiging isang top product endorser. Hay, naku heavy-gats naman, ah!
Whoaah!! Busy as usal ang tao sa loob ng ABS-CBN Studio ng The Buzz BUZZ at nakita ko roon siyempre ang host na si Boy Abunda, nakasuot ng checkered na pants at long sleeves kasama si Ruffa Guttierez. Siyempre ano pa, marami ang mga bigating guests na artista na kinabibilangan nina Martin Nievera, Gary Valenciano, Vilma Santos, Luis Manzano at siyempre ay si John Lloyd Cruz na kamakailan lang siyempre ay nailabas na sa Larawan sa Canvas.
Bagama’t nagmamadali, hindi ako napahindian upang aking makausap ang lead star ng Primetime Bida ng Dos na Lovers in Paris. Siya nga ang anak ni Megastar Sharon Cuneta, na walang iba kundi si KC Concepcion or call her ‘Kace.’ Wow, grabe na to ha! Sige na nga umpisahan na natin at mamaya iwanan pa ako nito, ha-ha-ha-ha!
KC, ano ang pino-promote mo? “Ay, ‘yung Lovers in Paris po.”
Ano ang pinakakuwento niya? “It’s a love triangle and it’s about Vivian, isa siyang aspiring director na naghahabol ng pangarap, and at the same time nakahanap siya ng love.”
Kumusta, bukod sa pagiging artista mo, anu-ano ang mga hilig mo? “Hah? Bukod sa pagiging artista po?” Mali ‘ata ako ng tanong… I mean, hobby mo pala? “Ah, mahilig ako sa…. sa…. bakasyon! Ha-ha-ha-ha-ha!”
Natawa rin ako. Ha-ha-ha-ha! Kasio nabigla ako sa sagot niya pero mukhang mabait naman siya. “Mahilig akong mag-design ng mga hoodies (hooded sweatshirts) for BAYO at saka iyong United Nations iyong pinapadala po ako kung saan-saang sulok ng Mindanao at ng mundo.”
‘Di ba talagang sports-minded ka? nakita ko nu’ng hindi ka pa artista nu’n. “Yeah like sa ice hockey.”
Oo nga, mga kaparazzi, dahil napasama pa si KC sa Philippine Team noong 1997 at gold and silver medal pa ang dala niya pagbalik. Whattagirl talaga ‘tong batang ito, but simply humble at malambing magsalita.
Sa paggising mo sa umaga, ano ang una mong ginagawa? “Ahhh… nakikinig po ng music at umiinom ng isang basong tubig!”
Ha-ha-ha-ha! Nagmumumog ka siyempre muna. “Umiinom po.”
Ah, water ‘yun siyempre iniinom nga pala. Ano ang gusto mong almusal sa umaga? “Ah, pizzas and cal cheese, prutas, prutas.”
Ah, ano ang pinakabarito mong isuot kapag ikaw ay nasa beach. Ah, ganu’n naka-two-piece din?
“Oo naman po, siyempre. Ha-ha-ha!”
Pero zero nga ba talaga ang lovelife mo ngayon? Napatingin siya sakin sabay sabi, “Panoorin ninyo na lang po sa Primetime Bida ang teleserye naming Lovers in Paris.”
Wow, huh! At alam ninyo ang audience siyempre naghiyawan at nagpalakpakan. Sigaw ng sigaw ng, ‘Kiss! Kiss!’ Uy, hindi sa ‘kin siyempre… sa kanyang leading man na si Piolo Pascual. At nakunan ko pa ng picture, kaso ‘ata nakatalikod si Piolo na nagki-kiss sa kanyang ka-partner na si ‘Vivian’ sa teleserye.
At alam ba ninyong two times nag-request ng kiss ang mga tao at hayun nakihalo na rin nga ako sa nagsabi ng ‘Kiss!’
Wow sa set ng The Buzz mukhang wala ka nang hahanapin pa dahil kahit nakikigulo ang mga viewers, ‘wag lang makaistorbo, masayang iisang kapamilya. Ano bitin ba tayo? Bawi na lang kayo sa picture ng inyong kaparazzi.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia