Sipat-eklat: KC CONCEPCION, kapalit ni Ruffa Gutierrez sa The Buzz?!

SIPAT: ‘WAG daw tawaging ULTIMATE LOVETEAM sina MELAI CANTIVEROS at JASON FRANCISCO.
EKLAT: Your GUESS is RIGHT, folks. PROTESTA ‘yan ng FANS nina GERALD ANDERSON at KIM CHIU.

SIPAT: Teka, HINDI ba ang ULTIMATE LOVETEAM, e sina ‘GUY and PIP’ at ‘VI and BOT’?
EKLAT: Ay, baka mag-REACT na naman ang KIMERALD!

SIPAT: BAKIT daw MAGA ang MUKHA ni CLAUDINE BARRETTO nu’ng UMAPIR sa SHOWBIZ CENTRAL last SUNDAY?
EKLAT: Baka NAKAGAT ng LAMOK (na may COLLAGEN sa PANTUSOK?).

SIPAT: BAKIT ‘yung PAMAMAGA lang ng MUKHA ni CLAUDINE ang NAPANSIN agad?
EKLAT: ‘TAGAL nang MAGA ang BUONG KATAWAN niya, ah!

SIPAT: In fairness, PROFESSIONAL pa rin si CLAUDINE. Kesehodang MAGA ang MUKHA, e NAGPAKITA pa rin siya sa SHOWBIZ CENTRAL, ‘di ba?
EKLAT: DRAMATIC ENTRANCE na lang ‘yung PAMAMAGA ng FEZ niya.

SIPAT: Si KC CONCEPCION na ang IPINALIT kay RUFFA GUTIERREZ sa THE BUZZ.
EKLAT: KC, GAME KNB na MABARA?!

SIPAT: Sa GANDA ni KC, parang HINDI CREDIBLE na MANG-INTRIGA.
EKLAT: Uy, MAGANDA rin naman si KRIS AQUINO, ah! At KERI niya pa ang maging TAKLESA!

SIPAT: NAIIMBIYERNA si REGINE VELASQUEZ sa NEGATIVE COMMENTS sa PARTY PILIPINAS.
EKLAT: MAGANDA naman kasi ang PARTY PILIPINAS, ‘no! Parang UPDATED VERSION ng SOP.

SIPAT: MAKAKAUNGOS din ang PARTY PILIPINAS. Ang DAMI-DAMI na nilang PUBLICITY.
EKLAT: NEGATIVE nga lang…

SIPAT: Si WILLIE REVILLAME ang DAPAT PIRATAHIN ng PARTY PILIPINAS.
EKLAT: At gawin ‘yang WOW, PARTY PILIPINAS!

SIPAT: ‘They TREAT me LIKE a KING talaga!’ sey ni MANG DOLPHY sa TV5.
EKLAT: With MATCHING HAREM kaya, Mang Pidol?

SIPAT: ‘TALAKAN-TV’ ang FORMAT ng FACE TO FACE ng KAPATID network.
EKLAT: ISALANG na d’yan sina ANNABELLE RAMA at WILMA GALVANTE!

SIPAT: BLIND ITEM: IBINULSA ni REPORTER ang PRUTAS na NAKAHAIN sa MESA ng TV HOST-ACTRESS. Kaya lang, NABUKING! NAGLABAS ng MARTILYO ang HITAD at MAMARTILYUHIN ang REPORTER. Sa TAKOT ng MATINGER Z, e INILABAS na lang niya ang PRUTAS!
EKLAT: Moral of the story: Kapag PRUTAS ang INUTAS, MARTILYO ang KATAPAT!

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

Previous articlePinoy Parazzi Vol. III Issue #281: April 8, 2010
Next articleDirek Buboy Tan, pinagkakatiwalaan pa rin sa paggawa ng pelikula!

No posts to display