TUMUTOL SI KC Concepcion na isalin na ang titulong The Ultimate Heartthrob mula sa Papa niya na si Gabby Concepcion sa current leading man niya on her first ever teleserye sa TV, ang Lovers in Paris na si Piolo Pascual.
“Ay, hindi pa po. Oh, yes, si Papa pa rin,” ngiti ni KC habang kausap namin siya at si Piolo sa dressing room during the third quarter trade launch ng mga bagong programa ng ABS-CBN.
Ang sweet-sweet nina Piolo at KC sa loob ng dressing room habang sabay na nakikinig sa Ipod ng kakantahin nila kasama ang iba pa’ng mga artista ng Kapamilya network during the trade launch sa NBC Tent sa The Fort. Pero ayon kay KC, hanggang ngayon ay nananatili pa rin silang magkaibigan ni Piolo.
“Since in-announce naman niya sa buong Pilipinas na nanliligaw siya sa akin, so, I guess, ang importante sa akin ay ang makita lang siya na sincere siya. Walang kamera, ganu’n,” sambit ni KC.
Sa ngayon priority ni KC ang kanyang career lalo pa’t may malapit ng ipalabas ang kanuna-unahan niyang teleserye. Bagaman may balita na botong-boto ang Megastar at mommy niya na Sharon Cuneta kay Piiolo para sa kay KC.
“Kaya nga lagi ko siyang nire-remind na, ‘Ma, hindi na ganu’n na bata kinakasal ‘yung mga tao. We have to wait.’ Parang marami pa kaming gustong gawin, ganu’n. But I know kasi when I get in a relationship sobra ko’ng priority ‘yung lalaki. So, gusto ko ganu’n din. So, sana magkatugma ‘yung priorities naming dalawa. ‘Yun ang ibig ko’ng sabihin. Pero ‘yun ay pang-ano na, serious relationship. Nanliligaw pa lang siya,” diin ni KC.
WORRIED NA WORRIED naman si Piolo Pascual sa kinakaharap na isyu ngayon ng Star Cinema sa SM cinema. Next in line na kasi na ire-release ng Star Cinema ang first mainstream movie production ni Piolo under Spring Films kasosyo ang mga kaibigang sina Erickson Raymundo, Shane Clemente at Joyce Bernal, at launching film din ni Eugene Domingo, ang Kimmy-Dora sa September 9.
“‘Yun na nga. Umaasa na lang kami sa word-of-mouth na maganda ang trailer ng Kimmy-Dora. We want to be confident because of our trailer. But just the same, we need major promo. We need all the help that we can get from people because we are not a big production. This is our first big venture and ang hirap. Kasi kada spot, magkano kada spot? Tapos magpagawa ka ng poster, magpagawa ka ng billboard. Lahat may bayad,” pahayag ni Piolo.
Dahil dito, may balita na ipu-pull-out nila ang Kimmy-Dora sa Star Cinema bilang distributor ng pelikula nila.
“It’s too early to tell. It’s too early to say. Ako naman, sa Star pa rin ako nanggaling. Anything and everything that I do gusto ko may blessing ni Tita Malou (Santos), bilang siya naman ang mentor ko sa movies and doon pa rin ako babalik. So, hindi ko masasabi and sa ngayon, as much as possible, we want to maximize the exposure of the movie because kailangan naming mabawi ‘yung ginastos namin,” lahad ni Piolo.
Julie Ka!
by Julie Bonifacio