DUMATING LAST Sunday morning ang grupo nina Piolo Pascual, Gerald Anderson at Rayver Cruz sa international airport mula sa France. Pumasok ang indie movie nilang “On the Job” ni Direk Erik Matti para sa Philippine entry to the Director’s Fortnight at the Cannes International Film Festival.
Maaga pa lang, nakaabang na ang media para ma-interview ang mga ito. Nagpaunlak sina PJ at Rayver pero mabilis na nawala sa paningin nila si Gerald na tipong umiiwas magpa-interview. Baka raw mapag-usapan ang tungkol sa kanila ni Maja Salvador. Ang katuwiran raw nito, baka ma-late siya sa show ng ASAP.
Nang hindi ma-interview si Gerald, kahit imbudo ang staff ng Star Cinema, wala silang magawa. Assignment kasi nila na i-cover ang pagdating ng mga ito. Hindi naisip ng actor ang hirap at pagod ng field reporters para lang makunan at ma-interbyu siya kahit sandali lang. Kailangan pa nilang pumunta ng ASAP para makunan ng pahayag si Gerald tungkol sa kaganapan sa Cannes.
Well, feeling superstar na nga ngayon ang drama ng actor kahit wala pa itong napapatunayan. Ano pa kaya kung mapag-ukulan ng pansin si Gerald sa Cannes?
Ano ba ang something interesting kung dyowa na ni Gerald si Maja? Hindi big deal ang kanilang relationship. Knows naman namin pati na rin ang publiko na matagal na silang mag-on. Ano ngayon kung umanin ang actor sa isang glossy magazine na girlfriend na niya ang actress? Nasa cloud nine ngayon si Maja dahil very much in love daw sila sa isa’t isa. Sige lang, Gerald and Maja, enjoy every minute of your love relationship. Sabi nga ng mga fans ni Kim Chiu, “Na kay Kim ang huling halakhak!”
HINDI NAGING madali para kay KC Concepcion ang taggapin ang role bilang kontrabida sa isang teleserye with Judy Ann Santos at Sam Milby. Matagal palang pinag-isipan ng singer/actress kung ready na siya to do character role sa TV. Marami ang hindi sang-ayon sa naging desisyon ng dalaga lalo na ang kanyang fans. Baka raw ma-typecast ang kanilang idolo sa ganitong klase ng drama-series.
Para kay KC, it’s a big challenge on her part being kontrabida. Sobra siyang nahirapan lalo na raw kapag kaeksena nila ni Sam si Juday. Nandu’n daw ‘yung nerbiyos na baka magkamali siya ng dialogue.
“Nakaka-tense, every scene with Ate Juday. Ang galing-galing niya, she’s really an actress. It’s no joke being a kontrabida, ang hirap pala. Kailangan palagi kang naka-in character para maramdaman mo ‘yung intensity ng character na pino-portray mo. Gusto kong ma-experience, ma-explore ang talent ko as an actress. I know, marami pa akong dapat matutunan and I’m willing to learn,” aniya.
Gusto ni KC na magampanan ang iba’t ibang role, mapabida or kontrabida sa telebisyon at pelikula. Depende nga lang daw ‘yun sa project na ibibigay sa kanya. Now, she’s playing kontrabida, it doesn’t mean na rito na siya lilinya. Minsan lang niya ito gagawin dahil naniniwala siya sa project at si Judy Ann pa ang kasama niya sa bagong soap ng Kapamilya Network.
“You will be surprise, ibang KC Concepcion ang mapapanood ninyo sa bago namin soap nina Ate Juday and Sam. Malayung-malayo sa tunay kong character, kaiinisan ninyo kami rito ni Sam at kaaawaan ninyo si Ms. Judy Ann Santos,” pagmamalaking sabi ni KC.
Sa sobrang pagbubusisi ng script at pagpapalit ng mga cast, inabot na ito nang almost one year in the making bago ito tuluyang maipalabas sa telebisyon. Well, let’s see if it’s worth waiting…
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield