BLIND ITEM: Kung hindi pa kulit-kulitin at magmakaawa ang mismong may-ari ng bracelet at hikaw na hiniram lang naman niya ay hindi pa isosoli ng isang singer na nanggagaling sa kaluluwa ang magandang tinig.
I’m sure, alam n’yo na agad ang sagot. Pero ang istorya ay hindi n’yo pa alam. Ganito ‘yon. Nanghiram ang singer ng Chanel na alahas sa isang baklitang maykaya.
Eh, ang sey niya, isosoli rin agad. Oo lang nang oo ang singer na isosoli ito. Kaya ang ending, hindi rin naisoli sa takdang panahon ang mga alahas.
Ilang linggo na ang nakararaan ay nagdrama na ang baklita na super hinahanap na sa kanya ang alahas at parang awa na raw ni singer, ibalik na sana ang mga alahas.
“Hay, nako… awa ng Diyos, nasa akin na ang mga alahas. Kung next time, manghihiram pa siya, pag-iisipan ko muna nang ilambeses.
“Nakakalokah, buti isinoli, eh P175 thousand ‘yon, ‘teh!”
‘Pag hiniram, isoli. ‘Pag hindi iyo, ‘wag ariin. Kung gustong ariin, hingiin sa may-ari. ‘Pag ayaw ibigay, intindihin.
Kasi, ‘pag hindi mo ‘yan isinoli, considered ninakaw ‘yan, ‘di ba?
WALA SI KC Concepcion sa birthday presentation ni Piolo Pascual sa ASAP Rocks kahapon. Marami ang nagtaka, pero may explanation kahapon sa The Buzz si KC.
Sinusulat ito ay wala pa ang The Buzz, pero according to a source, ibinigay na raw ni KC ang araw na ‘yon sa mag-amang Piolo at Iñigo na sobrang na-touch kami, dahil sinorpresa si Piolo ni Iñigo ng duet kahit pa ito ay nasa US.
Ang guwapo ng bata. Mula mata pataas, Piolong-Piolo. At maganda ang boses, huh! Sobrang natuwa si Piolo. Napaluha si Papapi, kaya nahawa na rin kami. Naluha na rin kami.
Ewan ko ba kumba’t kami naluha. Siguro, nandu’n ‘yung katotohanang naintindihan namin si Papapi, dahil alam namin ang feeling ng isang amang sinosorpresa ng anak.
Sa January 12 pa ang birthday ni Papapi, pero sobrang love namin ang aktor na ito, dahil may mabuting puso para sa mga less fortunate. Napatunayan namin ‘yan.
AND SPEAKING OF may mabuting puso, kahit hindi kami at ang pamilya namin ang ginawan ng “malaking pabor” ay nagpapasalamat kami kay Sen. Bong Revilla.
Kasi, si Senador Bong ang nag-guarantee sa Philippine Heart Center na siya na ang sasagot ng hospital bills ng aming kasama sa panulat at close friend na si Rommel Placente.
No, hindi si Rommel ang naospital, kundi ang ate nitong na-stroke at nasa ICU ng Heart Center habang iniintindi rin nito ang bed-ridden na nanay na may gano’n ding sakit.
Gano’n si Sen. Bong. Basta para sa mga kasamahan sa industriya, kung kaya rin lang niyang tumulong, hindi nagdadalawang-isip.
Kaya mahal na mahal ng movie industry at movie press si Sen. Bong. Mabuhay ka, Sen! At maraming-maraming salamat sa lagi mong pagsuporta sa mga kasama sa panulat.
‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.
Siyempre, kasama diyan si Fren Rommel Placente, Ms. F, Francis Simeon at ang taong aso na si Mimi na kinaaaliwan ngayon ng mga listeners.
Oh My G!
by Ogie Diaz