KC Concepcion: Mga karanasan at aral sa Uganda

I HAVE ALWAYS talked about the immense power and influence of celebrities. Stars and public figures can use their fame for the good of the world. May mga artistang nagbabahagi ng kanilang panahon, pera at kasikatan for humanitarian causes. They raise people’s awareness about the sick and hungry children around the world, women’s right, debt relief for 3rd world countries, and protection of the oppressed and the helpless.

Isa sa mga kahanga-hangang celebrities who is active in her charity works ay si KC Concepcion who is the country’s United Nations World Food Programme Ambassador Against Hunger. The more I get to know KC, the more I appreciate her. She is a beautiful young lady inside and out. At muli niyang pinatunayan ang kagandahan ng kanyang kalooban when she had a week-long mission in Uganda.

Isinalaysay ni KC ang kanyang mga naging karanasan sa Uganda sa The Buzz. This was her first visit to Uganda and her first international mission for the United Nations’ World Food Programme. Uganda is located in the eastern part of Africa and is called the “Pearl of the African Continent.” Pero taliwas sa kanyang taguri, maraming problema ang kinakaharap nito ngayon tulad ng rebellion, poverty, hunger and HIV-AIDS.

Unang pinuntahan ni KC ang Karamoja at dito niya nasaksihan ang matinding kakulangan ng mga tao sa mga basic needs gaya ng pagkain, damit at tubig. Sinabi ni KC na nakangiti pa rin ang mga tao roon kahit they are suffering from malnutrition.

Sumunod niyang pinuntahan ang Karimojong na una nang natulungan ng WFP. Tinuruan nito ang mga tao na gumawa ng mga clay stoves para mapadali ang kanilang paggawa ng pagkain at makaiwas sa mapanganib na paghahanap ng kahoy na ipinangsisiga. Kailangan rin ng mga tao dito ang kaukulang atensyon dahil may mga batang nagdurusa ng malnutrisyon at HIV at sa ngayon daw ay nasa therapeutic feeding center ang mga ito.

Her last stop was at Kapchorwa, ang lugar na umunlad dahil sa programang “Purchase for Progress” ng WFP. The people were taught agricultural livelihood techniques at sa ngayon ay nagkaroon na sila ng kabuhayan at maayos na buhay.

Makahulugan ang sinabi ni KC, “My trip to Uganda was definitely an eye-opener and a life-changing experience. Bagamat hindi man kami nagkakaintindihan sa salita, nagawa pa rin naming magkaunawaan dahil bukas ang aming mga puso. Sa aking pagbabalik sa Pilipinas ay bitbit ko ang mga karanasan at mga aral na nais ko ring ibahagi sa lahat. Huwag nating babale-walain ang mga bagay na sa tingin natin ay maliit o hindi mahalaga dahil para sa iba, katulad ng mga tao sa Uganda, ito ang pinakamahalaga.”

Masarap tumulong sa kapwa. Like KC, we can also make a big difference in our community by touching the lives of others. We can choose to be role models who can make this world a much, much better, more decent, more humane place to live in.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy

by Boy Abunda

Previous articleGov. Vilma Santos, magiging Kapatid na?!
Next article‘TUTA’ NI GAY TV HOST, NAGWALA NANG YAKAPIN NG DJ TV HOST!

No posts to display