NAGING MAKABULUHAN ang pagse-celebrate ng kaarawan ng anak ni Sharon Cuneta kay Gabby Concepcion na si KC Concepcion kamakailan dahil mas pinili nitong makasama ang mga kababayan natin sa Dulag, Leyte para sa isang feeding program na in-organize ng World Food Programme (WFP) Philippine para sa mga survivor ng bagyong Yolanda.
National ambassador si KC ng WFP Philippines since 2008 at nakapag-donate na siya ng higit P3 million para sa nutrition program ng WFP. Tumulong si KC sa pagdi-distribute ng ready to eat supplemental food and micronutrient powder sa nasabing lugar. More than 8,000 families with 5,000 children ang naapektuhan ng bagyong Yolanda noong 2013.
Nagpa-auction pa si KC ng ilan niyang mga personal na gamit na eBay para makaipon pa siya ng mas malaking funds para sa magiging future ng feeding program ng WFP.
Naghandog pa ng awitin si KC para sa mga kabataan sa Leyte. Nag-post pa siya ng isang photo kung saan kasama niya ang ilang mga nandoon sa feeding program.
“The Filipino smile says a lot about our resilience. Galing. Ang sarap makita ng mga smile ninyo, Tacloban,” caption pa ni KC sa kanyang Instagram photo.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo