NAKATUTUWANG PANOORIN ANG mag-amang Gabby at KC Concepcion sa shooting ng kanilang first movie na may working title na I’ll Be There For You. Very close ang dalawa na nagtatawanan at nagbibiruan pa habang nasa set.
Hindi nabago ng panahon ang kaguwapuhan ni Gabby and KC is a carbon copy of her dad. Kung hindi mo nga kilala sina Gabby and KC at nakasalubong mo sila sa daan ay aakalain mong sila ay magkapatid.
Matagal nang inaabangan ang pagsasamang ito nina Gabby at KC. She revealed that working with her father is more than just a dream come true dahil hindi niya noon inisip na puwede pala silang magsama sa isang pelikula.
Gabby and KC underwent an acting workshop to prepare them for the movie. Through the workshop, they were able to deal with their past issues and expressed how much they love each other. Nag-iba na nang tuluyan ang pader na nakapagitan sa kanilang dalawa.
Maliban sa kanilang pagsasama sa pelikula, what makes this movie more exciting and more interesting ay ang pagkakahawig daw ng ilang eksena sa nangyari sa kanila sa tunay na buhay.
KC will play a Filipino-American na hinanap ang ama after her mother died. Aminado si KC na minsan ay nalilito siya sa eksena nilang mag-ama. “Magkaibigan, magkabarkada o tatay ko siya? Kasi lumaki ako sa lolo ko, so ang tingin ko sa papa, sa dad, sa tatay parang iyong lolo ko. So, iyon siguro ang challenge na makatrabaho siya.”
Isang bukas na libro ang buhay nina Gabby at KC. Katulad ng isang pelikula na dumaraan ang bawat karakter sa iba’t ibang emosyon ay ganoon din sina Gabby at KC – may saya, may luha, may pagkabigo pero sa bandang huli ay may happy ending din. Gabby and KC can enjoy the many years ahead of them to build their relationship and make up for the lost time. And I hope that through their new movie ay lalong maging mas malapit pa sila sa isa’t isa.
Indeed, there are relationships that are worth keeping like the deep bond shared by a father and his daughter. The father is usually the first man in a little girl’s life kaya naman siguro may mga amang nahihirapang tanggapin na ang kanilang dalaga ay may boyfriend na o malapit nang mag-asawa. Para sa kanila, there will never be someone good enough for their daughter to marry.
I think the song Father and Daughter by Paul Simon best describes a father’s love for his daughter. One line says, “There could never be a father who loved his daughter more than I love you.”
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda